John Prats, isa na sa mga director ngayon sa teleseryeng “FPJ’s: Ang Probinsyano”

Congratulations, John Prats!

Muli na namang ipinagdiwang ni John Prats ang “milestone” sa kanyang karera sa industriya ng showbiz. Kung noo’y isa lamang aktor at nagpapamalas ng kanyang kahusayan sa pag-arte, pinatunayan ni John ang kanyang kakayahan pagdating sa pagdi-direct.

Credit: @johnprats Instagram

Sa loob ng limang taon na pagganap ng aktor sa karakter ni Jerome sa sikat na teleseryeng, “FPJ’s: Ang Probinsyano,” halos hindi makapaniwala si John Prats sa natanggap niyang magandang balita kumakailan lamang.

Martes, November 9 nang ibinahagi ni John Prats sa kanyang Instagram account ang panibagong tagumpay sa kanyang karera bilang isang “director-actor”.

Sa katunayan, isa rin siyang director sa sikat na noontime show na “It’s Showtime” kaya naman nang naging direktor na rin ng teleseryeng kinabibilangan niya na “FPJ’s: Ang Probinsyano,” abot-langit ang kasiyahang nararamdaman ni John.

Credit: @johnprats Instagram

“This is Big! Never ko naimagine sa tanang buhay ko na mapabilang kasama ang mga mahuhusay na Director ng ABS-CBN. Thank you Lord God,” sulat ni John sa kanyang caption kalakip ng mga larawang kuha sa kanilang selebrasyon kasama ang iba pang kilalang directors sa ABS-CBN na 30 taon na niyang pinagsisilbihan.

Maaalala sa isang interview ng ABS-CBN kung saan ay ikinuwento ni John ang paraan ng pagtutulungan nila ng kapwa “director-actor” na si Coco Martin.

Credit: @johnprats Instagram

“Whenever I have a problem with a segment or pinag-uusapan namin ‘yung ‘Showtime’ ko, may mga suggestions ‘yan. Para kaming nagbe-brainstorming,” ayon kay John.

“Same thing sa side din niya, kapag din nagka-problema sa istorya, we pitch. Kung ano mang pwedeng mangyari.”

Ngayon na magkasama ng pagpaplanuhan at pangugunahan ang “FPJ’s: Ang Probinsyano,” inaasahan ng karamihan na patuloy pa na gaganda ang daloy ng storya ng teleserye.

Credit: @johnprats Instagram

“Salamat Direk CM sa tiwala at sa pag gabay. Thank you Tita Cory , Direk Lauren and Sir Deo and sa @dreamscapeph family for this opportunity na habang buhay kong ipagpapasalamat,” pagbibigay-pugay ng aktor sa mga taong nagbigay sa kanya ng napakalaking opportunity.

Credit: @johnprats Instagram

Dobleng celebration din ito para sa casts ng “FPJ’s: Ang Probinsyano” dahil may bago na namang karakter ang teleserye na gagampanan lang naman ng nag-iisang “MegaStar” na si Sharon Cuneta!

Dagdag pa ni John sa kanyang caption, “And just WOW! Mega star is in the house!!! This is really BIG! Probinsyano never stops!!! 6 years and counting. To God be the Glory. Napakalaki ng Cast! Nakakalula, ngayon lang ata ako naka experience na maging bahagi ng isang programa na napakaraming Bituin! Enjoy mga Kapamilya.🙏🏼”

Credit: @johnprats Instagram

Sa pangunguna ni Direk Coco Martin at Direk John Prats, mas mapapasaya pa nila ang kanilang mga manonood gabi-gabi!