Jolina Magdangal, pinagbigyan ang hiling ng anak at itinahi ng dress ang alagang ipis nito na si Ipi

Maraming magulang ang gagawin ang lahat mapasaya lang ang kanilang mga chikiting. Gaya na lamang ng “Magandang Buhay” host na si Jolina Magdangal na hindi nakatanggi sa request ng kanyang anak na si Vika.

Credit: @mariajolina_ig Instagram

Sa latest post ng host-actress, ibinahagi niya ang ilang cute na larawan ng kanyang anak kung saan makikita na tila kinikilig ito habang nakatingin sa kanyang alagang “ipis” na nakasuot ng isang pink na damit.

Ayon pa kay Jolina, ipapa-frame niya ang larawan ni Vika para paglaki umano nito ay malaman niya kung gaano niya ito kamahal.

“Anak!!!! Pag malaki ka na, ipapa-frame ko ang picture na ito para alam mo kung gaano kita kamahal,” ani Jolina.

Credit: @mariajolina_ig Instagram

Lingid kasi sa kaalaman ng lahat, ginawa mismo ni Jolina ang napaka-cute na damit ng alagang ipis ni Vika.

Kwento ni Jolina, buong araw siyang hindi tinantanan ng kanyang anak hangga’t hindi umano niya naipapagtahi ng damit ang alaga nitong ipis na si “Ipi”. At hindi nga raw niya natiis ito at kahit sumasakit ang kanyang ulo ay ipinagtahi pa rin niya ng damit ang alaga nitong ipis.

“Di ko alam pano natapos magtahi ng damit para sa ipis pero dahil buong araw nya ako kinukulit na gawan ko daw ng damit si “IPI”, ayan ang dress (partida may migraine pa ako nyan ha.) Napaka sakit sa kamay!” saad niya.

Gayunpaman, hindi naman nasayang ang pagod ni Jolina sa pagtatahi dahil masayang-masaya si Vika nang masilayan ang kanyang alaga na suot ang ginawa niyang damit.

Credit: @mariajolina_ig Instagram

Pagbabahagi pa ni Jolina, “Pero napaka-priceless ng ngiti at kilig mo anak.”

Kinatuwaan naman ng mga netizen ang nakakaaliw na request ni Vika sa kanyang Mommy Jolina. Marami rin ang naka-relate kay Jolina na gagawin ang lahat para sa ikakasaya ng kanyang anak.

“Iba talaga pag naging nanay na gagawin ang lahat para po sa anak.nakakatuwa po kayo idol Jolina.”

“Hahahhaha nakakatuwa si vika pero infairness ms jolens magaling ka po pala magtahi ng damit ng iPis hehe”

Credit: @mariajolina_ig Instagram

“so cute..pag mommy na talaga lahat gagawin para sa anak”

“Relate ako sayo Miss Jolina…parasa ikaliligaya ng anak gagawin ang lahat”

Samantala, ilang netizens ang napatanong kung totoong ipis nga ba ang alaga ni Vika.

Sinagot naman ito ni Jolina at nilinaw nga niyang laruan o plastic lamang ang alagang ipis ng kanyang anak.