Isa sa mga batikang aktor sa showbiz si John Ross Sanchez Gamboa o mas kilala ng marami sa kanyang screen name na Joross Gamboa. Siya ay sumikat matapos siyang manalo bilang 2nd runner-up sa 1st season ng reality talent search na “Star Circle Quest” noong 2004.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Mula nang manalo sa SCQ, naging household name sa showbiz si Joross katambal ang kanyang on-screen partner na si Roxanne Guinoo.
Nagtuloy-tuloy nga ang kasikatan ni Joross at kaliwa’t kanang pelikula at teleserye ang kanyang pinagbidahan. Hanggang ngayon naman ay ipinapamalas pa rin ni Joross ang galing niya sa pag-arte sa kanyang pinakabagong rom-com TV show na “Hoy, Love You!”
Credit: @joross_gamboa Instagram
Dahil naman sa kanyang tagumpay at kasipagan bilang aktor, hindi na nakapagtataka na nakapagtayo si Joross ng sariling beach house sa tulong na rin siyempre ng kanyang pamilya. Pinangalanan niya ang kanilang beach house na ipinakita niya kamakailan sa unang pagkakataon sa publiko na “Gamboa’s Family Beach House.”
Credit: @joross_gamboa Instagram
Sa kanyang Instagram, nag-post si Joross ng ilang litrato ng maganda, moderno at kumpleto sa amenities na beach house ng kanyang pamilya na matatagpuan sa Costa Sariya, Sariaya, Quezon.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Unang winelcome ni Joross ang publiko sa pamamagitan ng pagpapakita ng litrato ng front-view ng kanilang beach house kung saan makikita rin ang isang medium-sized na swimming pool. Agaw-pansin naman ang hitsura ng labas ng beach house nina Joross dahil sa ganda nito.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Samantala, ipinasilip din ni Joross ang loob ng kanilang beach house mula sa maluwag at cozy na sala, simple ngunit napaka-eleganteng dining hall kung saan matatagpuan ang isang 6-seater dining table at ang pinakahuli ay ang kusina na mayroong nakamamanghang modernong disenyo.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Napakalawak naman talaga ng beach house nina Joross dahil kasya rito ang isang basketball court kung saan pwede ring magdaos ng mga okasyon.
Nagpapasalamat naman si Joross sa Panginoon pati na rin sa mga taong tumulong sa kanila upang makamit ang kanilang pangarap na magkaroon ng isang beach house.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Sinabi rin ni Joross sa kanyang post na ‘soon’ ay ito-tour niya ang kanyang mga YouTube subscribers sa kanilang napakagandang beach house.
Credit: @joross_gamboa Instagram
“Gamboa’s Family Beach Home” Thank You Lord sa blessing na eto! All Glory to God! Sa lahat ng bumubuo neto SHARARAWT sa inyo! Family of Gamboa-Sanchez, Alba-Gamboa, Gamboa-Saga, Gamboa-Escusa, Gamboa-Rapiz 🙏🏼💙 Salamat din sa Builder/Contractor Engr. Mario Estanio & Architect Edward Joseph Armada (vlog soon on YT – THE GAMBOA CHANNEL)” pahayag niya sa kanyang post.
Credit: @joross_gamboa Instagram
Matatandaan na unang ibinahagi ni Joross na nagpapatayo sila ng beach house sa Quezon noong Abril. Ngayon nga ay fully-functional na ito at maaaring bisitahin. Tunay naman na ito ay isang perpektong lugar para makapag-relax at mag-enjoy ang buong pamilya ni Joross.