Isa sa mga hinahangaan at in demand na artista sa showbiz ngayon ay ang Kapamilya young actor na si Joshua Garcia.
Credit: @garciajoshuae Instagram
Hindi maikakailang mabenta sa maraming kababaihan si Joshua hindi lang dahil sa kanyang galing sa pag-arte kundi dahil din sa kanyang taglay na kagwapuhan!
Kabilang nga sa mga tahasang nagpahayag ng kanyang paghanga kay Joshua ay ang YouTuber at s3xy actress na si Ivana Alawi.
Credit: @garciajoshuae Instagram
Matatandaan na ang sarili mismong kapatid ni Ivana na si Mona ang unang nagbuking tungkol sa matinding paghanga niya kay Joshua.
At kamakailan sa latest interview ni Ivana kasama ang host na si Ogie Diaz, sinabi niyang fina-follow nila ni Joshua ang isa’t isa sa Instagram. Inamin din ni Ivana nag-uusap sila ni Joshua sa nasabing social media platform.
Dahil dito, kaya marami ang naghihintay sa reaksyon ni Joshua tungkol sa direktang pagpapahayag ni Ivana ng kanyang damdamin para sa kanya.
Credit: @ivanaalawi Instagram
Sa presscon naman ng bagong TV series na pinagbibidahan ni Joshua na “Viral Scandal” ay natanong siya kung ano ang kanyang naramdaman nang malaman niyang “crush” siya ni Ivana.
Noong una ay napangiti si Joshua at halos hindi alam kung ano ang sasabihin. Base naman sa naging reaksyon ni Joshua ay talagang kinilig at flattered siya dahil hinahangaan siya ng isang ‘Ivana Alawi’.
Ayon naman kay Joshua, nagpapasalamat siya dahil na-aapreciate ni Ivana ang kanyang trabaho bilang isang aktor.
Credit: @garciajoshuae Instagram
Pahayag pa ni Joshua, “Ako kung may humanga sa akin, nakakadagdag ng confidence yun sa lalake, di ba? Di ko alam ang reaction ko ha, ha. Siyempre thank you kasi na-a-appreciate ‘yung work ko na ginagawa.”
Sa huli, ibinahagi naman ni Joshua na bukas siyang maging magkaibigan sila ni Ivana.
Credit: @ivanaalawi Instagram
Samantala. mapapanood na ngayong darating na November 15 ang bagong TV series ni Joshua kung saan ka-loveteam niya ang baguhang aktres na si Charlie Dizon.
Credit: @garciajoshuae Instagram
Lingid sa kaalaman ng lahat, unang beses na makakatambal ni Joshua si Charlie sa serye. Maaalalang tumatak sa marami si Charlie nang bumida siya sa kontr0bersyal na pelikulang “Fan Girl” kasama si Paulo Avelino.
Bukod naman kay Charlie, co-stars din ni Joshua sa serye ang mga batikang aktres na sina Dimples Romana, Jake Cuenca at Miko Raval.