Joyce Pring, inaming super crush niya noong nagbubuntis siya ang kanyang asawang si Juancho Triviño

Matapos ipakita nina Joyce Pring at Juancho Triviño sa publiko ang kanilang baby boy, hindi napigilan ng netizens na makaramdam ng paghanga sa kagwapuhang taglay nito.

Credit: @joycepring Instagram

Parehong kilala sa industriya ng showbiz bilang sikat na mga personalidad, hindi kailanman naging lihim ang relasyon nina Joyce at Juancho. Nagsimula man sa pagiging matalik na magkaibigan, nahanap naman nila ang tunay na pagmamahal sa isa’t-isa.

Maliban sa patuloy nilang pagpapamalas ng kahusayan sa napili nilang larangan, kapansin-pansin din ang good looks ng couple. Of course, hindi lamang sa kanilang sarili nananatili ang napakagandang genes dahil matagumpay nila itong naipamana sa kanilang baby boy na si Alonso Eliam.

Matapos isilang si baby Alonso Eliam, napagkasunduan nina Joyce at Juancho na huwag munang ipakita sa publiko ang mukha ng anak bilang pag-iingat na rin sa mga negatibong komento na kadalasan nilang natatanggap bilang “public figures”.

Credit: @joycepring Instagram

Agosto ngayong taon nang unang ipinakita ng couple ang kanilang baby boy sa publiko. Unang tingin pa lamang kay baby Alonso Eliam, talagang agaw-pansin na ang kagwapuha nito.

Hindi naman isang palaisipan ito para sa karamihan dahil gwapo at maganda nga naman ang kanyang mga magulang pero may mga tao pa rin na nagtataka at nagtatanong kung may kaugnayan ba ang kagwapuhan ni baby Alonso Eliam sa “cravings” ni Joyce habang nagbubuntis.

“Saan niyo po pinaglihi si Eliam? Ang pogi pogi,” kuryosong tanong ng isang netizen nang nagkaroon ng Q and A si Joyce sa Instagram.

Credit: @joycepring Instagram

Labis naman ang kilig na naramdaman ng kanilang fans sa naging sagot ng TV Host na, “Sa tatay! Kaya pogi talaga.”

Dagdag pa ni Joyce, “But seriously super crush na crush ko si Juancho lalo na when I was pregnant!”

Kuwento pa ni Joyce, paminsan-minsan umano niyang pinagmamasdan ang asawa habang tulog ito at sinabing napakagwapo pa rin ni Juancho.

Hindi naman inasahan ng karamihan ang naging sagot ni Joyce sa tanong ng isang fan pero ayon sa kanya, talagang si Juancho ang pinaglihian niya nang ipinagbubuntis pa lamang si baby Alonso Eliam, at sinabing ito ang dahilan kung bakit napakagwapo ng kanilang anak.

Credit: @joycepring Instagram

“Everyone who’s seen him in person says super hati and I agree but his ninangs mentioned when serious, it’s Juancho but when it’s smiling, it’s me ‘coz of the big grin and anime eyes,” sagot ni Joyce nang tinanong ng isang fan kung kanino ba nagmana si baby Alonso Eliam, sa kanya ba raw o kay Juancho.

Bagama’t ilang taon namang nagsasama, wala pa ring kakupas-kupas ang kakayahan nina Joyce at Juancho na magparamdam ng kilig sa kanilang fans.