Talaga namang naging daan para sa ilang artista ang showbiz upang mahanap ang kanilang makakasama sa habang-buhay. Katulad na lamang ng Kapuso actor na si Juancho Trivino at host na si Joyce Pring na hindi inaasahan ng marami na magkakahulugan ng loob at makakabuo ng hindi pangkaraniwang love story.
Credit: @joycepring Instagram
Nagsimula ang istorya ni Juancho at Joyce nang pareho silang naging host sa morning show na “Unang Hirit”. Inamin ni Joyce na noon pa man ay paminsan-minsan na siyang pinapadalhan ng mensahe ng aktor pero nang nagkasama sa nasabing morning show ay doon pa lamang nagsimula si Juancho sa panliligaw kay Joyce.
Credit: @joycepring Instagram
Ikinasal si Juancho at Joyce noong Pebrero 9, 2020 at nagkaroon ng simpleng wedding sa Sofitel Philippine Plaza Manila. Matapos ang mahigit isang taon bilang mag-asawa ay inanunsyo ng dalawang Kapuso stars noong Pebrero sa publiko na inaasahan nilang dalawa ang pagdating ng kanilang unang anak.
Credit: @joycepring Instagram
Noong July 5, 2021 nang ibinahagi ni Joyce Pring-Trivino na isinilang na niya ang baby nila ng asawang si Juancho. Sa Instagram ay nag-share si Joyce ng isang larawan kung saan ay makikita ang maliit na kamay ng isang baby na nakahawak sa kanyang hinlalaki.
Sa caption ay ibinunyag ni Joyce ang buong pangalan ng kanyang baby na si Alonso Eliam Pring-Trivino na kanyang ipinanganak noong July 2, 2021.
Credit: @joycepring Instagram
“There has never been a more joyful time in our lives – and we’re just so blessed our amazing God has chosen us to be your parents,” pahayag ni Joyce sa kanyang caption.
Ayon pa kay Joyce ay napakarami umanong bagay na gusto niyang ipakita, gustong ituro, ipagdiwang, at matuto ng mga bagay kasama ang kanilang anak ni Juancho.
“Thank you for making Mama and Dada the happiest and proudest parents,” dagdag ni Joyce.
Credit: @juanchotrivino Instagram
Sa parehong araw ay nagbahagi rin si Juancho ng larawan sa kanyang Instagram kung saan ay makikitang nakaupo ang asawa na si Joyce sa isang hospital bed habang hawak hawak ang baby na si Alonso Eliam.
Ibinahagi ni Juancho ang kanyang excitement bilang isang Dad at sinabing ito ay isang pakiramdam na hindi niya kailanman naranasan noon.
Credit: @juanchotrivino Instagram
“From seeing Joyce my love deliver (literally froze me to de@th), hearing our baby cry for the first time (took my breath away) and held him in my arms for the first time (couldn’t stop looking at him). I will always thank God for everything and now especially the gift of Life ❤,” sabi ni Juancho.
Kitang-kita sa mga mga ngiti at titig nina Joyce at Juancho ang sobrang saya na dulot ng kanilang first baby.
Congratulations Mr. and Mrs. Trivino!