Judy Ann Santos Agoncillo, ibinida ang sandamakmak na medalya ng anak na si Yohan sa sinalihang swimming competition!

Sa tuwing nagtatagumpay ang ating mga kakilala sa napili nilang larangan, nakakaramdam talaga tayo ng kasiyahan at mas dumodoble pa ito kapag sariling anak na ang humahakot ng achievements katulad na lamang ni Judy Ann Santos-Agoncillo na hindi napigilang ipagmalaki ang nasungkit na mga medalya ng kanyang anak na si Yohan.

Credit: @officialjuday Instagram

Sa likod ng image ni Juday bilang isa sa mga mahuhusay at iconic na aktres sa showbiz, isa naman siyang dedicated na asawa kay Ryan Agoncillo at isang responsible at mapagmahal na Mommy sa kanyang mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna na ilang beses na naman nating nasaksihan sa pinangungunahan niyang reality shows at interviews.

Parehong sikat sa mundo ng showbiz ang couple na si Judy Ann at Ryan kaya talagang exposed sa publiko ang kanilang mga chikiting at dahil sa ibinabahaging posts at vlogs ng aktres, mas nakikilala ng netizens ang kanilang mga anak lalong-lalo na ang kanilang panganay na si Johanna Louis o kung tawagin nila sa palayaw nitong “Yohan” na kinahuhumalingan at hinahangaan ng karamihan dahil sa pagkakaroon niya ng maraming talents.

Credit: @officialjuday Instagram

Malapit talaga ang puso ni Juday sa pagluluto at tila’y namana naman ni Yohan ang pagkahilig niya rito at patuloy na pinapabilib ang kanyang parents dahil sa kanyang katalinuhan at achievements sa school pero tila’y hindi lamang ito ang meron si Yohan dahil suki rin pala siya sa swimming competitions at madalas na nananalo!

Sa latest na post ni Juday sa kanyang Instagram, ibinida niya ang pagkapanalo ni Yohan sa sinalihang swimming competition kung saan ay ipinagmalaki niya ang sandamakmak na medalyang nasungkit ng anak.

Credit: @officialjuday Instagram

“So proud of you my love!! 1st in fly, 3rd in back, 2nd in 100 free .. all while juggling school work, training and college application.. you did so well baby girl!! 👊🏼👊🏼❤️❤️,” sulat ng celebrity Mommy sa kanyang caption kalakip ng ibinahagi niyang larawan nila ni Yohan at ang solo pic ng anak kung saan ay makikita itong nakasuot ng napanalunan niyang mga medalya.

Dahil sa achievement na ito ni Yohan, kaagad naman na nagpahayag ng pagbati ang fans at iilang celebrities katulad na lamang nina Beth Tamayo, Ciara Sotto, Dominic Roque, Maricel Pangilinan, Bianca Gonzalez at marami pang iba. Of course, hindi rin nagpahuli si Ryan Agoncillo dahil isa lang naman siyang proud Daddy sa anak.

Credit: @officialjuday Instagram

Bagama’t busy man sa kanyang preparation para college at kaliwa’t kanang training, maayos naman na nababalanse ni Yohan ang kanyang priorities at matagumpay pa nga itong naipagsasabay. Talented na nga, disiplinado pa!