Marami na talaga ang nagkakaroon ng malaking misconception sa “quality time” sa pag-aakalang kinakailangan na maging fancy, sosyal o bongga ang date para mas maging memorable ito ngunit muli lang namang pinatunayan ng OG reel-to-real na couple ng Philippine showbiz na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na nahahanap din ang kasiyahan sa simpleng date.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
Importante talaga ang consistency sa isang relationship dahil hindi porket matagal nang nagsasama ang isang couple ay unti-unti na rin na kakalimutan ang paglalaan ng oras para sa isa’t-isa. Of course, hindi naman talaga naiiwasan na dumaan sa rocky na phase ang isang couple ngunit mas mainam na lampasan ito together dahil dito mas napagtitibay ang foundation ng relationship.
Para sa isang couple na nagsasama na ng mahigit isang dekada, ang madalas talaga nilang natatanggap na tanong mula sa karamihan ay ang sikreto nila sa matagal nilang pagsasama. Para kay Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na 13 taon ng nagsasama bilang isang married na couple, ang paglalaan ng oras sa isa’t-isa ang nasa likod ng kanilang patuloy na tumitibay na relationship.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
Bagama’t busy ang schedule, malaki naman ang pagpapahalaga ni Ryan sa bonding sesh nila ng asawa at ng mga anak na sina Yohan, Lucho, at Luna. Tulad ng “quality time” na inilalaan niya sa mga chikiting, priority din ng “Eat Bulaga” host ang maya’t maya na date nila ni Juday dahil kahit sobrang dami man ng ganap sa life ay sinisigurado naman nilang pareho na nakapagnanakaw sila ng sandali upang ma-enjoy ang company ng isa’t-isa.
Sa bagong post ni Ryan sa Instagram, ibinahagi niya ang mga larawang kuha ng kanilang eldest na si Yohan mula sa simpleng date nila ni Juday sa may kubo sa tabing-dagat habang suot ang kanilang comfy na clothes.
“ate yo sent me these photos the other night. we literally just sat by the water and watched the clouds float by,” sulat ni Ryan sa kanyang caption.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
Tanong pa niya, “does this count as a date?” na kaagad namang sinagot ng kapwa niya celebrities at followers ng “yes!”
“Yan ang best date 💕,” sabi ni Lyn Ching.
“Yazzzz! It counts as a date! Mga nakaw na sandali indeed, @officialjuday ❤️,” saad ni Christine Babao.
“Basta sbwwhh (sat by the water while holding hands) puedeng puede!!😁❤️💯,” komento naman ng dating senador na si Kiko Pangilinan.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
Hindi naman kinakailangan na bonggacious ang isang date para maging memorable at isa lang namang “living proof” si Juday at Ryan na nahahanap din ang kasiyahan sa simplicity ng mga bagay.