Judy Ann Santos, ibinahagi kung gaano kahalaga para sa kanila ni Ryan Agoncillo ang kapakanan ng kanilang mga empleyado

Naging malaking pagsubok ang p@ndemya sa karamihan, lalo na sa mga Pilipinong bread winner ng pamilya at tanging umaasa sa suweldo ng kanilang trabaho.

Credit: @officialjuday Instagram

Magmula nang nagka-p@ndemya ay maraming naapektuhan. May mga nawalan at natanggal sa kanilang trabaho, nabitawan ang oportunidad sa buhay, at talagang marami ang nakaranas ng matinding hirap. Isa itong malaking dag0k sa buhay ng karamihan sa ating mga kababayan.

May mga negosyong nalugi o napilitang magtanggal ng mga empleyado dahil sa kakulangan ng pera pang-suweldo at dahil na rin may sariling pamilya ang mga negosyante na kailangan nilang tustusan.

Ngunit may iilan pa ring may-ari ng negosyo na iniisip ang kabutihan at kapakanan ng kanilang mga empleyado sa kalagitnaan ng p@ndemya.

Credit: @officialjuday Instagram

Kilala sa industriya ng showbiz ang pangalan na “Judy Ann Santos” dahil sa mga matatagumpay na proyekto at pelikula nito noon pa mang dekada 90’s. Kumakailan lamang ay napagdesisyunan ng sikat na aktres at TV Host na sumabak sa pagnenegosyo.

Naapektuhan din ng p@ndemya ang kanyang negosyo pero sa kabila ng kr!sis na pinagdadaanan ay pinahalagahan niya ang kapakanan ng kanyang mga empleyado. Hangarin ni Judy Ann at maging ng asawa nitong si Ryan Agoncillo na tulungan ang mga empleyado upang may maipakain sila sa kanilang mga pamilya.

Halos isang taon na nang gumawa ng YouTube channel si Juday na pinangalanan niyang “Judy Ann’s Kitchen”. Ibinahagi ni Juday na bukod sa pag-arte ay kinakailangan pa niyang mag-explore ng mga bagay na makakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya at kalauna’y sumabak sa pagluluto.

Credit: @officialjuday Instagram

“Not that I’m saying na I’m sick and tired of following people. No, I’m just saying that I want to validate lang myself na kaya ko ba? Kaya ko ba’ng gawin ‘to? At that time, sa edad ko, I was actually challenging myself already na ano pa ba iyong natatakot kang gawin. So, it was actually cooking. I’m not afraid of cooking for my family and friends. To take my food to a lot of people, it’s something na pwede ka i-judge kasi gagawin nila, gagayahin nila,” paglilinaw ni Juday sa interview ni G3 San Diego via Instagram live noong May 24.

Sa kabila ng maraming food business ni Juday ay tiniyak rin niya na hindi sila magtatanggal ng empleyado sa gitna ng p@ndemya.

“Kasi ‘pag nasa food business ka sa gitna ng p@ndemya, ayaw mo madagdagan ‘yung mga taong walang trabaho,” sabi ng aktres slash negosyante na si Juday sa isang interview.

Credit: @officialjuday Instagram

“Kung ano iyong kikitain natin kahit maliit, okay na din. Kung walang kikitain, okay lang din basta wala tayong empleyadong tatanggalin or whatever kasi ang hirap ng buhay as it is,”

Sa kabila ng h!rap na dulot ng p@ndemya ay nanatiling positibo si Juday sa buhay at makikitaan talagang mabuti ang kanyang puso.