Sa loob ng labindalawang taon na pagsasama ng parehong artista na si Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo bilang mag-asawa ay inamin ni Juday na hindi perpekto ang buhay nilang mag-asawa na taliwas sa inaakala ng karamihan.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
Mahigit apat na taong magkasintahan si Juday at Ryan bago tuluyang nagpakasal noong April 28, 2009 sa San Juan, Batangas at ngayon ay may tatlo ng anak na sina Yohan, Lucho, at Luna.
Sa matagal na pagsasama ay nananatili pa rin ang kilig sa pagitan ni Juday at Ryan. Hindi naman ito maitatanggi dahil makikita naman sa Instagram ni Ryan sa ilalim ng #storiesforlucho ang mga larawan na talagang nagpapatunay kung gaano niya pinapahalagahan ang pamilya.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
Ilan din sa kanyang mga post ay mga larawan ng asawa na may kasama pang sweet messages. Hindi rin napigilan ni Juday ang appreciation niya sa sweet captions ng asawa. Nasabi rin ng aktres na para siyang nagbabasa ng pocket book sa tuwing binabasa ang isinusulat ng asawa para sa kanya.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
Naikuwento rin ni Ryan sa #storiesforlucho kung paano niya nagawang paibigin si Juday sa kanya.
Noon pa man ay kilala na ang pangalang Judy Ann Santos sa larangan ng showbiz pero kung gaano man katanyag ang kanyang reputasyon bilang isang sikat na artista ay ganoon naman kasimple at nag-uumapaw sa pagmamahal ang buhay nilang mag-asawa sa totoong buhay.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
Sila ay isa sa mga celebrity family na talagang tinitingala ng karamihan pero ayon kay Juday ay hindi umano perpekto ang buhay nila ni Ryan bilang mag-asawa.
Sa isang panayam na ginawa ng PEP.ph kay Juday ay nagkwento ito tungkol sa husband and wife relationship nila ni Ryan.
“We also have our moments. May mga issues naman kami. May mga away din kami,” pagbubunyag ni Juday.
Kung akala ng karamihan ay sobrang smooth sailing ng kanilang buhay mag-asawa ay inamin ni Juday na mayroon rin silang mga hindi pagkakaintindihan ni Ryan.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
“Magkakaiba naman situation ng bawat couple. Hindi rin kasi nagwo-work sa amin ‘yung “Huwag tulugan ang away.’ ‘Ay! Kailangan naming siya tulugan!’” Sabi pa ni Juday sa panayam sa kanya ng PEP.ph.
Ayon pa kay Juday na kung kinakailangan na huwag muna silang mag-usap ni Ryan ng ilang araw kapag may problema ay hindi sila mag-uusap hanggang pareho na silang kalmado.
“Kasi kung parehong mainit, wala ring pinupuntahan iyong issue, wala rin namang pinupuntahan usapan namin.”
Ibinahagi rin ni Juday na “communication” umano ang isa sa mga paraan upang pagtibayin ang relasyon bilang mag-asawa.
Credit: @ryan_agoncillo Instagram
“It’s a continuous give-and-take relationship. You listen, you speak. I will listen to you, listen ka sa akin. It just goes on and on and on.”
Isa lamang sina Judy Ann at Ryan sa nagpapatunay na ang marriage life ng mga artista ay hindi parang fairytales na kapag ikinasal na ay happily every after. Meron din silang mga away at misunderstandings katulad ng mga normal na couples sa ating lipunan. Basta ang pinaka importante ang nabibigyang solusyon ang bawat misunderstandings na nangyayari.