Judy Ann Santos, may nakakaantig na mensahe para sa 17th birthday ng kanyang ‘first love’ na si Yohan

Napapanood lamang noon ng marami sa commercial ng aktres na si Judy Ann Santos ang panganay na anak nila ni Ryan Agoncillo na si Johanna Louis o Yohan.

Credit: @officialjuday Instagram

Napakacute at talagang bibong-bibo si Yohan sa mga commercial nila ng kanyang Mommy Juday. Kaya naman marami ang hindi maiwasan na mamangha dahil dalagang-dalaga na ngayon si Yohan at malapit nang tumungtong sa legal age!

Noong November 8 ay umulan ng pagbati sa social media para kay Yohan sa 17th birthday nito. Para naman sa kanyang kaarawan ngayong taon, nagkaroon ng intimate birthday celebration si Yohan kung saan nakasama niya ang kanyang pamilya at ilang mga kaibigan.

Credit: @officialjuday Instagram

Sa kani-kanilang Instagram account, ibinahagi ng celebrity parents ang ilang mga litrato na kuha mula sa birthday celebration ni Yohan.

Makikitang present sa selebrasyon ang mga magulang at kapatid ni Ryan. Enjoy na enjoy din si Yohan kasama ang kanyang mga kapatid na sina Lucho at Luna maging ang ilan niyang kaibigan.

Emosyonal naman si Juday sa kanyang ibinahaging nakakaantig na mensahe para sa kanyang “first love.” Aminado si Juday na maging siya ay nagugulat dahil sa bilis ng paglaki ng kanyang panganay.

“7!!??? What???? No!!!! Oh my sweet baby love… my answered prayer, my twin in so many ways ( kahit ako nagugulat),” pahayag niya sa kanyang IG post.

Credit: @officialjuday Instagram

“It’s amazing how we saw you grow up and mature right before our very eyes.. you’re doing great my love… life can be tough and unforgiving.. but, dont you worry my dear love.. mommy and daddy will be behind you all the way.. ( hanggang manabang ka! ) we love you so much sweetheart.. happy birthdAy our forever baby girl. P.s. next year.. pabaliktad na bilang natin ng edad mo ah!” dagdag pa niya.

Samantala, isang simpleng “17” naman ang isinulat na caption ng “Eat Bulaga” host sa ipinost niyang litrato ni Yohan sa araw ng kaarawan nito.

Credit: @officialjuday Instagram

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na inampon lamang ng celebrity couple si Yohan.
Madalas na ikwento ni Juday sa mga interview na sagot sa kanyang mga dasal si Yohan. 26 pa lamang noon si Juday at wala pang boyfriend nang magdesisyon siyang ampunin si Yohan dahil nga sa kagustuhan niyang magkaroon na ng anak at maging isang ina.

Hanggang sa dumating nga sa kanyang buhay si Yohan. Hindi rin nagtagal ay inampon na rin ni Ryan si Yohan matapos nilang maikasal ni Juday.

Credit: @officialjuday Instagram

Matatandaang ikinasal sina Juday at Ryan noong 2009.