Judy Ann Santos, may taos pusong mensahe para sa kaarawan ng kanyang matalik na kaibigan na si Beth Tamayo

Hindi nakalimutan ng aktres na si Judy Ann Santos na batiin ang kanyang matalik na kaibigan na si Beth Tamayo sa kaarawan nito.

Credit: @officialjuday Instagram

Nitong September 21 lamang ay nagdiwang ng kanyang 44th birthday si Beth sa Amerika kasama ang kanyang asawa at anak. Isang sweet birthday message naman ang isinulat ni Judy Ann sa kanyang Instagram account para sa kanyang bff! Nilakipan din niya ito ng litrato nila ni Beth at isang video ng huli na sumasayaw.

Mensahe pa ni Judy Ann sa kanyang kaibigan, “My forever ride or d!e buddy.. ❤️❤️ happy birthday kabetchi! 😘 miss you everyday… pero mas miss ko tong mga kendeng mong ganito! 😝@bethtamayo21”

Nag-reply naman si Beth sa IG post ni Judy Ann. Aniya, “Haha! Ang saya ng kendeng ko! Love you so much Kabetchi ko!”

Credit: @officialjuday Instagram

Sina Judy Ann Santos at Beth Tamayo ay kabilang sa mga mahuhusay na aktres na tinitingala ng marami noon.

Lingid naman sa kaalaman ng marami, nagsimulang lumalim ang pagkakaibigan ng dalawa nang magkatrabaho sila sa teleseryeng “Esperanza” taong 1997 na nagwakas naman noong 1999. Nagkasama rin ang dalawa sa variety show na “That’s Entertainment.”

At sa paglipas nga ng panahon ay napanatili nina Judy Ann at Beth ang kanilang pagkakaibigan kahit pa nga lumipat sa Amerika si Beth noong 2008.

Credit: @officialjuday Instagram

May kanya-kanyang pamilya na rin ngayon sina Judy Ann at Beth. Noong Marso lamang ay ikinasal si Beth sa kanyang Amerikanong partner na si Adam Hutchinson. Naging isang ganap na ina naman si Beth nitong Agosto 29 lamang matapos niyang isilang ang unang anak nila ni Adam na pinangalanan nilang Sloane Isabelle. Ipinagbuntis ng aktres ang kanilang panganay na anak sa pamamagitan ng IVF o in v!tro fert!lization process.

“I know we’re late but here she is! Sloane Isabelle Tamayo Hutchinson! Born Sunday Aug 29th and 3 weeks early! Yep, she just can’t wait!” anunsyo ni Beth sa kanyang IG post.

Credit: @officialjuday Instagram

Samantalang si Judy Ann ay abala naman sa kanyang mga food business dito sa Pilipinas at sa pagiging asawa sa kanyang mister na si Ryan Agoncillo at pagiging nanay sa kanyang tatlong anak na sina Yohan, Lucho at Luna.