Julia Barretto, ‘di naitago ang saya matapos makatanggap ng mamahaling relo mula sa kanyang boyfriend na si Gerald Anderson!

Isa sa mga pinag-uusapan at kinakikiligang real-life celebrity couple ngayon ay sina Julia Barretto at Gerald Anderson. Talagang sinusubaybayan ng mga netizen ang kaganapan sa relasyon ng dalawang Kapamilya stars.

Credit: Marjorie Barretto YouTube

At dahil katatapos lamang ng holiday season, ‘curious’ tuloy ang marami nilang fans kung ano ang iniregalo ng aktor kay Julia nitong nakaraang Pasko.

Napa-sana all nga ang maraming netizens nang mapanood nila ang YouTube vlog ng ina ni Julia na si Marjorie Barretto kung saan masisilip ang bonggang regalo ni Gerald sa aktres.

Sa vlog, makikita ang “Hello, Heart” actor na masayang nagdiwang ng Pasko sa tahanan ng mga Barretto. Ipinasilip nga ni Marjorie sa kanyang vlog kung ano ang regalo ni Gerald sa kanyang napakagandang anak noong Pasko.

Sa isang bahagi ng vlog kung saan nagbubukas na ng mga regalo ang kanilang pamilya, mapapanood ang pag-uunbox ni Julia sa regalo sa kanya ni Gerald.

Credit: Marjorie Barretto YouTube

Halos hindi naman makapaniwala si Julia nang makita na niya ang regalo sa kanya ni Gerald na walang iba kundi isang mamahaling relo.

Hindi na naitago ni Julia ang kanyang kasiyahan at agad niyang niyakap si Gerald dahil sa bonggang regalo nito na isang Rolex.

Pag-amin pa ni Julia, unang beses niyang magkaroon ng nasabing relo kaya naman labis na lamang ang kanyang tuwa at excitement. Maging ang ina at mga kapatid naman ni Julia ay tila napa-sana all din dahil sa bonggang regalo ni Gerald para kay Julia.

Credit: Marjorie Barretto YouTube

Samantala, napa-wow naman ang mga netizen sa pagiging galante ni Gerald sa aktres. Komento nila:

“Grabe rolex gift for Julia. Super galante at halatang mahal n mahal nya si julia. Lalo kayong pinatatag ng tadhana”

“Wow Sana all Rolex ang regalo ni Gerald kay Julia”

“Wow Rolex from Gerald…so sweet and you deserve that Julia..Godbless your relationship”

“Si ge yung naggigift ng EXPENSIVE na d pinopost kuddos to this man!!!!”

Credit: Marjorie Barretto YouTube

Matatandaang kinumpirma ng celebrity couple ang kanilang relasyon noong March 2021. Sa isang tell-all interview kay Boy Abunda, inamin ni Gerald na labis siyang napapasaya ni Julia.