Julia Barretto, handang iwanan ang kanyang buhay artista upang lumagay sa tahimik kasama ang sariling pamilya

“Very special guest” kung ituring ng “Init sa Magdamag” star na si Gerald Anderson ang kanyang nobya na si Julia Barretto nang maging guest ito sa kanyang YouTube channel kamakailan lamang.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Sa isa na namang panibagong vlog episode ay ipinasubok ni Gerald kay Julia ang ilang karaniwang Pinoy streetfood na aniya ay hindi pa kailanman natitikman ng aktres.

Ilan lamang sa mga tinikman ni Julia ay kwek-kwek, isaw, balunbalunan, dinuguan, binatog at marami pang iba.

May inihanda namang mga katanungan si Gerald para kay Julia habang kumakain sila ng mga streetfood. Tinanong ni Gerald si Julia kung ano ang “greatest lesson” nito sa buhay ngayon. Simple naman ang naging sagot ni Julia at sinabi niyang, “Keep going”.

Sunod na tinanong ni Gerald ay ang “5 to 10 year plan” ni Julia. Ayon kay Julia, makalipas ang 5 taon ay plano niyang magkaroon ng sarili niyang pamilya. At nang tanungin kung handa ba siyang iwanan ang pag-aartista para mamuhay ng normal, hindi nag-atubiling sinabi ni Julia na “anytime”.

Pag-amin ni Julia, lagi niyang pinapangarap na magkaroon ng isang simple at tahimik na buhay.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Aniya, “I always dream of living a simple and quiet life, family life.”

Ibinahagi rin ni Julia na noong siya ay bata pa, nai-imagine na niya na pagtanda niya ay magiging isang artista siya dahil sa uri ng trabaho na mayroon ang kanyang mga magulang at mga tiyahin.

“This one, because I feel like at an early age, I was already exposed to this life because I grew up with aunts who would take me to their work, my dad and my mom. It was kind of the only life I knew so I felt like that’s where I was gonna end up,” ani Julia.

Gayunpaman, sa hinaharap, hindi nakikita ni Julia ang kanyang sarili bilang isang artista dahil pangarap niyang mamuhay ng masaya at tahimik kasama ang kanyang sariling pamilya.

Credit: Gerald Anderson YouTube

Aniya, “But in the future, a simple quiet life is what I dream.”

Bukod sa mga pangarap at plano ni Julia sa buhay, tinanong din ni Gerald kung ano ang iniisip nito sa kanilang mga biglaang bakasyon.

Sagot ni Julia, “The best yun nga yung hinihintay ko eh…I like (it).”

At dahil pareho silang mahilig mag-travel, tinanong ni Gerald si Julia kung ano ang kanyang “ideal vacation” kung saan sinagot naman nito ng, “We always talked about it road trip from one state to another.”

Credit: Gerald Anderson YouTube

Sa huli naman ay kinikilig na sinagot ni Julia ang tanong ni Gerald kung ano ang nakakapagpa-blush sa kanya.

Ani Julia, “You make me blush.”