Julia Montes, positibo ang pananaw at tinitignan ang kasalukuyang kr!sis bilang isang oportunidad para magawa ang gustong gawin

Kung ang karamihan sa atin ay ginugugol ang kanilang quarantine life sa paghahalaman, pag-eehersisyo at pagtuklas ng mga bagong libangan, si Kapamilya actress Julia Montes naman ay nakakita ng oportunidad na bumalik sa pag-aaral ngayong pansamantala munang natigil ang kanyang trabaho dahil sa p@ndemya.

Credit: Julia Montes Instagram  

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ni Julia ang kanyang larawan habang nag-oonline class. Ayon sa caption ng kanyang post ay nag-enroll siya sa Southville International School and Colleges.

Sikat ang Southville International School and Colleges para sa mga artista, dahil bukod kay Julia ay dito rin nag-aral sina Jodi Sta. Maria at Liza Soberano.

Credit: Julia Montes Instagram

Sa caption ng IG post ay ikwenento ni Julia na mas pinili niyang tingnan bilang isang oportunidad ang krisis na nararanasan natin ngayon kaysa isang balakid.

Ani Julia sa IG post, “Here’s to a new journey FROM HOME! I am glad to be part of Southville International School and Colleges as I officially go back to school. This is how I turn a cr!sis into an opportunity, doing things I’ve always wanted now that I have the luxury of time.”

Dagdag ni Julia, “Indeed, education is a lifelong venture. And what I love most is that at Southville, you can do your passion without compromising your academic goals. How does that sound?
So this is it! #BeAmazingBeSouthville @southville_is ❤️.”

Credit: Julia Montes Instagram

Samantala, hindi naman sinabi ni Julia sa IG post kung anong kurso ang kinuha niya.

Pinuri naman si Julia ng netizens dahil sa ipinapakita niyang dedikasyon sa pag-aaral. Komento ng netizens:

“Wow!!! Godbless Bebe!!! Kaya sayo ko eh! Paturo! Hahahahha”

“Good Job Jules! I also want to go back to school”

Credit: Julia Montes Instagram

“Yeyyy! Never stop learning”

“More dreams! Proud of you sweetcakes!”

“Wow proud of you! Blooming as always!”

Noong 2015 ay grumaduate si Julia mula sa culinary school na Center for Culinary Arts.

Credit: Julia Montes Instagram

Matatandaang matagal din na nawala sa showbiz si Julia. Matapos ang halos na isang taon na pagkawala sa showbiz para makasama ang ama sa Germany, ay inanunsyo ng kanyang manager ang kanyang pagbabalik January ngayon taon. Bago naman ang pandemya ay gumanap sa action series na “24/7” si Julia.