Julia Montes, umamin na may nagpapatibok at nagpapasaya ngayon ng kanyang puso

Isa sa mga aspeto sa buhay ng isang artista na talagang naku-curious ang netizens ay ang kanilang kwentong pag-ibig. Sino nga ba ang nagpapasaya sa kanila? Sino nga ba ang taong nakikita niya na makakasama niya sa hinaharap? Ilan lamang ang mga ito sa mga tanong ng mga tagasubaybay. Ngunit, isa itong pribadong aspeto sa buhay ng isang tao, artista man o hindi.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Mula pagkabata ay naging parte na sa mundo ng showbiz si Julia Montes. Dahil sa taglay na kagandahan at husay sa pag-arte ay hindi naman maipagkakaila kung bakit napakarami niyang fans. Buong buhay ni Julia ay alam ng publiko ang mga nangyayari sa kanya pero ayon sa aktres ay gusto niyang panatilihing pribado ang kanyang love life.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Pribado man si Julia pagdating sa love life ay marami pa ring spekulasyon na sila nga ng “Teleserye King” na si Coco Martin pero hindi naman ito kinumpirma ng aktres o ni Coco kung kaya hanggang ngayon ay nanatili lamang itong isang haka-haka.

Sa latest issue ng Mega Entertainment tungkol sa “The Secret Life of Julia Montes” ay kinumpirma ni Julia na siya’y in love ngayon!

Credit: @montesjulia08 Instagram

Nang tinanong kung siya ba’y in love ngayon ay direktang, “Yes” ang sagot ni Julia.

Inamin man na in love ay pinili ng aktres na huwag banggitin ang pangalan ng lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon.

Credit: @montesjulia08 Instagram

“Actually, hindi ko kasi siya sasabihing secret. We just chose this path kasi we both believe na ‘Ang atin, atin. Pumasok tayo sa trabahong ‘to na magulo. ‘Wag na nating paguluhin pati yung atin,” sabi ni Julia sa panayam sa kanya ni G3 San Diego noong July 1, 2021.

Nang tinanong kung ano ang pakiramdam ng pagiging in love, kaagad naman itong sinagot ni Julia ng walang pag-aalinlangan.

“Siguro ‘yun pala ‘yung pakiramdam na inaalagaan ka naman. Hindi lang ikaw ‘yung nagbibigay ng love. Meron ka nang nare-receive na love. Mas naging expressive ako. Mas expressive ako sa mga bagay na emotions, especially when it comes to the aspect of love–’yung, ‘I miss you,’ ‘I love you,’” ani Julia.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Dagdag pa niya, “‘yung hindi na ako nahihiya to take care of somebody. Dati kasi meron pang, ‘Baka isipin naman masyado akong ano.’ Or sa family ko, minsan–dahil nakalakihan namin na hindi kami sweet, ngayon mas sweet ako dahil sa love. So, ang laki ng difference.”

“It’s more of I’m just protecting my own happiness,” sagot ni Julia nang natanong kung bakit sobrang tahimik niya sa ganitong aspeto ng kanyang buhay.

Credit: @montesjulia08 Instagram

Isang masayang “Yes, of course!” naman umano ang magiging sagot ng aktres kung aalukin man siya ng kasal ng mysterious boyfriend.

Makikita naman talaga sa ningning ng mga mata ni Julia ang purong kasiyahan. Julia Montes is head over heals talaga sa nagpapasaya ng kanyang puso ngayon at ramdam kung gaano siya ka-in love dito.