Sa kanyang mahigit 5 million subscribers sa YouTube, hindi maikakailang si Jeremy Sancebuche a.k.a. Mimiyuuuh ay isang internet star. Dahil nga sa kasikatan ni Mimiyuuuh kaya maraming tao ang gumagaya sa kanya. Ngunit may isang netizen naman mula sa Mabalacat, Pampanga ang papasang kambal ni Mimiyuuuh.

Viral nga ang kahawig ni Mimiyuuuh na si Ruben Zata Rivera, isang senior college student matapos nitong gayahin si Mimiyuuuh para sa creative shots entry niya sa kanyang graduation pictorial.

Marami ang humanga at naaliw sa kinalabasan ng mga litrato ni Ruben na ibinahagi niya sa kanyang Facebook post.

Sa biglaang tingin, halos walang pagkakaiba sina Ruben at Mimiyuuuh lalo na pagdating sa aspektong pisikal. Iba’t ibang pose ang ginawa ni Ruben na hango mula naman sa mga sikat na pose ni Mimiyuuuh.

Kwento ni Ruben, kaya niya naisipan na gayahin si Mimiyuuuh ay dahil marami umano ang nagsasabi sa kanya na kamukha niya ito.

“So ayun na nga, maraming nagsasabe na kamukha ko daw si mimiyuuuh hahaha kaya naisipan ko na siya ang gawin kong creative shots sa grad pic ko,” ani Ruben.

Tunay nga naman na malaki ang pagkakahawig ni Ruben kay Mimiyuuuh base na rin sa mga litrato na kanyang ibinahagi. Kaya naman hindi na nakapagtataka kung bakit bentang-benta sa mga netizen ang mga nakakaaliw na creative shot picture nito.

Sa katunayan, umani na ng libo-libong reactions at shares sa Facebook ang mga litrato ni Ruben. Nagpasalamat naman si Ruben sa mga netizen na natuwa sa kanyang mga litrato. Hindi umano ini-expect ni Ruben na magvi-viral ang kanyang mga litrato.

“Maraming salamat po sainyong lahat, sobrang laking bagay na po nito sakin dahil diko po expect na magtetrend yung ginawa ko, inaalay ko po ito sainyo (skrrrrrt),” mensahe ni Ruben para sa mga netizen.

At tulad naman ng palaging ipinapayo ni Mimiyuuuh sa lahat, paalala rin ni Ruben na “Stay hydrated guys, Drink Your Water Bhiee!!”

Dagdag niya, “Goodvibes lang po tayo, God Bless.”

Para naman sa mga gusto pang makita ang kanyang mga susunod na “content” online ay gumawa na rin si Ruben ng kanyang sariling YouTube channel.

Ayon kay Ruben, mapapanood sa kanyang YouTube channel na “Your Name Ruben” ang iba pa niyang videos kung saan ay ginagaya niya si Mimiyuuuh.

“Eto po yung YouTube channel. Andito rin po yung mga parody videos at 2 tiktok videos na ginaya ko po si mimiyuuuh Enjoy po,” sulat ni Ruben sa kanyang Facebook post.