Kakai Bautista, pinahanga ang netizens dahil sa kanyang pagbirit sa awiting “Bakit Nga Ba Mahal Kita”

Hindi maipagkakaila na isa ang Pilipinas sa mga bansang may magagandang music at komposisyon ng mga ating mga world-class singers. Katulad na lamang ng iilang kanta na nabuo ng mga magagaling na singer na kahit ilang taon man ang lumipas ay nananatiling buhay pa rin sa isip at puso ng sambayanang Pilipino.

Credit: @ilovekaye Instagram

Isa na nga rito ay ang kantang “Bakit Nga Ba Mahal Kita” ni Roselle Nava. Talaga namang nasusubok ang kahusayan ng mga mang-aawit pagdating sa OPM classic na “Bakit Nga Ba Mahal Kita” dahil sa matataas na nota nito.

Kumakailan lamang nang ginawang challenge ng mga netizen sa Tiktok at sa ilang social media platforms ang OPM classic na kung tawagin nila ay ang “Bakit Nga Ba Mahal Kita Challenge”.

Credit: @ilovekaye Instagram

Isa sa sumubok sa nabanggit na challenge ay si Kakai Bautista. Kilala man si Kakai sa mundo ng showbiz bilang isang aktres at komedyante ay may talento rin siya pagdating sa pag-awit. Hindi lamang masasabing magaling si Kakai kung hindi ay sobrang galing!

Kamakailan lang ay binahagi ng MYX Global sa Facebook ang isang video kung saan ay makikitang umaawit si Kakai ng “Bakit Nga Ba Mahal Kita”. Sa 4 minutes na bidyu ay makikitang nakaupo lamang ang aktres slash komedyante pero nagagawa pa rin niyang abutin ang matataas na nota ng kanta nang hindi man lang nakikitaan ng hirap.

Sa chorus ng kanta ay mapapansin na lalo lamang na tumataas ang magandang boses ni Kakai na siyang nagpabilib sa mga netizens.

“Hi, Gigi De Lana and The Gigi Vibes! May entry rin si Kakai Bautista sa ‘Bakit Nga Ba Mahal Kita’ Challenge!!” anunsyo ng MYX Global sa caption ng kanilang post.

Credit: MYX Global Facebook

Matatandaang nag-upload rin si Gigi De Lana sa kanyang YouTube channel ng kanyang video kung saan ay napasabak siya sa “Bakit Nga Ba Mahal Kita Challenge” kasama ang mga ka-banda.

Credit: MYX Global Facebook

Hindi naman inaasahan ni Gigi na magva-viral ang kanyang video at umabot pa ng mahigit 8 million views sa YouTube. Umani rin siya ng papuri mula sa mga netizen dahil sa pag-abot niya sa mga matataas na key notes ng kanta.

Dahil sa nag-viral na video ni Gigi ay na-inspire ang aktres na si Kakai at napagdesisyunang sumali rin sa nasabing challenge.

Credit: @ilovekaye Instagram

Hindi naman maitatanggi ang husay at galing ni Kakai sa pag-awit lalo na’t sobrang easy lamang sa kanya ang pagbirit.