Kamangha-manghang transpormasyon ni Mon Confiado sa pelikulang “The Diplomat Hotel”, nagpabilib sa maraming netizens!

Marami sa atin ang gustong pasukin ang showbiz at maging isang artista. Mayroon namang ilan na naging artista ngunit hindi nagtagal ang karera.

Credit: @monconfiado Instagram

Anila, mahirap maging artista. Taliwas sa iniisip ng marami, ang pag-arte ay hindi lamang tungkol sa pagsasaulo ng mga linya at pagsabak sa mga dayalogo.

Sa likod ng mahusay na pag-arte ng mga hinahangaang nating artista, ay ang matinding pagsasanay para maayos nilang magampanan ang kanilang karakter at umarte ng “natural”.

Isa naman ang beteranong aktor na si Mon Confiado sa mga matagumpay na aktor ng kanyang henerasyon.

Credit: @monconfiado Instagram

Si Mon ay palaging pinupuri ng maraming tao at humahakot ng parangal sapagkat makatotohanan niyang isinasabuhay ang buhay ng karakter na ginagampanan niya.

Maituturing ngang isang ‘method actor’ si Mon dahil sinusubukan niyang isabuhay ang kanyang karakter sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang sarili sa emosyonal, pisikal at mental na kondisyon ng kanyang karakter.

Kamakailan lamang ay umani ng maraming papuri si Mon matapos niyang ibahagi ang ‘physical transformation’ na kanyang pinagdaanan para magampanan niya ang karakter ng misteryosong hotel guide na si “Tani Gurno” sa pelikulang “The Diplomat Hotel”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mon Confiado (@monconfiado)

Ang mga larawang binahagi ni Mon sa kanyang Facebook account ay nagpapakita ng kanyang kamangha-manghang pagbabago mula sa pagiging ‘Mon’ hanggang sa pagiging ‘Tani Gurno’.

“To get into his character” bilang si Tani, kinailangan ni Mon na magbawas ng halos 20 kilo na timbang sa loob lamang ng halos isang buwan. Binago rin ni Mon ang pustura ng kanyang katawan at inahit ang kanyang “hairline” at ang buhok sa tuktok ng kanyang ulo para gawing mas kapani-paniwala ang kanyang pagganap.

Inamin ni Mon na umaasa siya sa pisikal na pagbabago niya ng kanyang sarili upang makapasok sa karakter na ginagampanan niya.

Credit: @monconfiado Instagram

Ani Mon, “I admit that I rely on physically transforming myself as a way to get into character.”

Dagdag niya, “It’s helpful not to look like yourself. If I look in the mirror and that doesn’t look like me, that’s helpful.”

Samantala, ang Facebook post ni Mon ay naging viral at sa panahong isinusulat ang artikulong ito ay mayroon na itong 57K reactions at 25K shares.

Narito naman ang ilang komento ng netizens sa nakakamanghang transpormasyon ni Mon.

Credit: @monconfiado Instagram

“One word— A world class Actor , there’s only one Mon Confiado “ Very admirable in everything that you do ! A timeless legend ! ❤️”

“You’re a great actor! You always give justice to the role that is given to you! The best! ❤”

“Wow wow! Salute! One of my fave filipino actors! ♥️”