Kambal na anak nina Korina Sanchez at Mar Roxas, enjoy na enjoy sa kanilang bagong kama!

Nasubaybayan ng maraming netizens sa social media ang paglaki ng kambal na anak ng TV reporter na si Korina Sanchez at dating senador Mar Roxas na sina Pepe at Pilar.

Credit: @korina Instagram

Mula noong sila ay mga sanggol pa lamang hanggang sa una nilang paglakad ay ibinahagi ng beteranang journalist sa kanyang social media accounts ang iba’t ibang milestone na nakamit ng kanyang kambal.

At sa pagkakataong ito ay isang milestone na naman nina Pepe at Pilar ang ibinahagi ni Korina sa kanyang mga follower.

Credit: @korina Instagram

Sa kanyang Facebook account ay isang video ang ibinahagi ni Korina kung saan ay mapapanood sina Pepe at Pilar na masayang-masaya matapos makita ang kanilang bago at kauna-unahang kama!

Excited naman na ikwenento ni Korina na nagpaalam na sina Pepe at Pilar sa kanilang crib matapos niyang bilhan ang mga ito ng kanya-kanyang “real kids’ bed”.

Kwento ni Korina, madalas ay sinusubukan nina Pepe at Pilar na tumakas sa kanilang crib na sadyang delikado para sa kanila. Kaya naman nagdesisyon umano siyang bumili ng isang pambatang kama para mapanatag ang kanyang kalooban. Ibinahagi rin ni Korina na mura niyang nabili ang kama nina Pepe at Pilar sa isang online shopping mall. Hango ang desenyo ng bagong kama nina Pepe at Pilar sa mga sikat na cartoon character na sina Mickey at Minnie Mouse.

Credit: @korina Instagram

Saad ni Korina, “Milestone! Well since panay ang attempted escape ng twins sa crib nila and it’s getting more and more dangerous, I decided to just get them a real kids’ beds! Mahirap humanap ng Mickey and Minnie Mouse beds dito sa I had to go to Amazon. And mura lang naman!”

Credit: @korina Instagram

“Sooo excited and you should see their reaction! Be part of another Pepe en Pilar Milestone as they say goodbye to their baby cribs! And say hello to their new kiddie beds!” dagdag pa niya.

Samantala, halata naman ang kaligayahan sa mukha nina Pepe at Pilar habang nakahiga sila sa kanilang bago at napakalambot na kama.

Sina Pepe at Pilar ay nagdiwang ng kanilang ika-2 taong kaarawan noon lamang February 12. Isang simple ngunit sobrang sayang birthday party ang inihanda nina Korina at Mar para sa kanila na halata namang sobrang na-enjoy nila.