Panibago na namang achievement para sa couple na si Andi Eigenmann at Philmar dahil nito lamang, opisyal na nilang binuksan ang Kanaway Surf School at snack bar sa Siargao, isa sa mga bagay na matagal na nilang pinapangarap na maabot.
Credit: @andieigengirl Instagram
Sobrang hilig sa surfing, talagang pangarap ni Philmar Alipayo na makapagtayo ng sariling surf school upang mas marami pa siyang maimpluwensyahan at upang maibahagi niya ang kanyang skills at kaalaman sa sports na ito. Samantala, ibinahagi rin ng kanyang partner na si Andi Eigenmann na matagal na niyang gusto na magkaroon ng snack shop kaya naman nang may opportunity, walang pag-aalinlangan itong sinunggaban ng dating aktres.
Credit: @chepoxz Instagram
Matatandaan na sa unang linggo ng April, ibinahagi ni Andi sa pamamagitan ng isang vlog ang magandang balita nila ni Philmar at ito nga ay ang pagpapagawa nila ng surf school at snack shop na pinangalanan nilang “Kanaway”.
“We are spending the morning here while waiting for Papa who’s busy there working because he’s been dreaming of putting up a surf school and a surf shop,” pagbabahagi ni Andi.
Ayon sa dating aktres, plano umano nilang buksan ang Kanaway Surf School at snack shop bago ang summer upang mas makapag-enjoy pa ang mga taong nagbabalak na bumisita sa isla ng Siargao.
Credit: @kanaway.surfschool Instagram
At ngayon nga, official nang binuksan ng couple ang Kanaway Surf School at snack shop. Ibinahagi naman nila ang balita sa mismong Instagram account ng kanilang business kalakip ng mga larawang kuha nila kung saan ay makikita ang kagandahan at simpleng native na design ng nasabing school at shop.
Dahil sa business na itinayo ni Andi at Philmar sa Siargao, nagbukas din ito ng opportunities para sa instructors at mga lokal na nawalan ng trabaho at source ng pagkakakitaan simula nang nag-p@ndemic.
Credit: @kanaway.surfschool Instagram
“It’ll be obviously such great help to the surf instructors here kasi ang source of livelihood ng karamihan dito ay tourism,” ayon kay Andi.
Ngayon na papalapit na ang summer at panigurado na isa ang Siargao sa mga lugar na talagang pupuntahan ng tourists, talagang napakaliwanag ng future ng Kanaway nina Andi at Philmar.