Kapamilya stars na sina Alec Duñgo at Angeli Gonzales, mga ganap na doktor na ngayon!

Hindi na lamang isang pangarap ngunit isa nang realidad para sa mga dating Kapamilya star na sina Alec Duñgo at Angeli Gonzales ang kanilang pangarap na maging isang doktor.

Credit: @alecdungo Instagram      

Mahirap at mahaba man ang daan na kanilang tinahak bago maging isang lisensyadong doktor, napagtagumpayan naman ito nila Alec at Angeli.

Nitong November ay kumuha ng Physician Licensure Examination sina Alec at Angeli. Nitong November 26 naman ay lumabas ang resulta ng kanilang eksaminasyon at kabilang nga sila sa 3, 538 examinees na nakapasa at idineklarang mga licensed doctor ng Professional Regulation Commission.

Credit: @kayeangelii Instagram

Nagbunga ang lahat ng oras, pera at pagsisikap na iginugol nina Alec at Angeli sa medical school dahil ngayon ay isa na silang ganap na doktor.

Sa kani-kanilang Instagram account, masayang ibinahagi nina Alec at Angeli ang kanilang tagumpay sa kanilang pamilya, mga kaibigan at mga tagahanga.

Credit: @kayeangelii Instagram

Isang mensahe ang isinulat ni Alec sa kanyang Instagram para pasalamatan at bigyan ng pagkilala ang mga taong sumuporta at nagbigay lakas sa kanya para matupad ang kanyang “childhood dream”.
Si Alec ay nakilala ng lahat matapos siyang sumali noong 2012 sa Pinoy Big Brother: Teen Edition 4.

Credit: @alecdungo Instagram

Pagsisimula ni Alec, “To God be the glory!!! We made it! Thankful for everyone who made this dream possible. This is for you papa, mama, kuya Cocoy, Bubut, my grandparents, Duñgo and Chai family, and to (my newly licensed doktora too!) Janelle 💯”

Credit: @alecdungo Instagram

Dagdag ni Alec, “To all my mentors, family, and friends from ICCS, PGMNHS, PBB, Star Magic, UST Faculty of Pharmacy, B4, UST Faculty of Medicine and Surgery, and UST Hospital, you all have been part of this long journey and you deserve all the acknowledgment. 26 years in the making! 🙌🏻”

Sa huli ay sinabi ni Alec na umpisa pa lamang ng kanyang tungkulin bilang isang ganap na doktor ang pagpasa niya sa Physician Licensure Examination.

Credit: @alecdungo Instagram

Aniya, “It’s only the beginning but hey, here’s to saving lives, one patient at a time! Officially, Alec Brandon Chai Duñgo, MD”

Samantala, ang “Home Along Da Riles” child star naman na si Angeli ay proud na isa na siyang “licensed to heal”.

Credit: @kayeangelii Instagram

Ani Angeli sa kanyang Instagram post, “Finally #Licensed toHeal 🩺 To God be the Glory!”

Credit: @kayeangelii Instagram

Nagtapos sa kanyang medical degree si Alec sa University of Santo Tomas, habang si Angeli naman ay sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute.