Kapatid ni Ivana Alawi na si Hashim, di napigilang maiyak nang matanggap ang surpresang regalo ni Ivana sa kanya

Muli na namang pinahanga ni actress-vlogger Ivana Alawi ang netizens matapos nitong sorpresahin ang kapatid na si Hash sa kanyang pinakabagong vlog.

Credit: Ivana Alawi YouTube    

Bilang isang kapatid ay gusto lamang umanong mapasaya ni Ivana si Hash kaya’t naisipan nitong bigyan ng sariling lupa ang kapatid na mapapakinabangan nito balang araw, higit sa iba pang bagay na maaari niyang maibigay dito.

Matagal na umanong tinatanong ni Ivana ang kapatid kung anong gusto nito, dahil simple at hindi raw materialistic na tao ang kapatid, kaya wala na itong maisip na bagay na gusto niyang matanggap.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Ikinuwento ni Ivana ang isang pagkakataon kung saan tinanong niya ang kapatid kung gusto ba nito ng Rolex, isang mamahaling relo na tinanggihan nito.

Kwento ni Ivana, “Si brother, ayaw niya ng mga Rolex, ayaw niya ng mga bag…kasi, simpleng tao lang siya, e. Hindi naman daw niya sinusuot.”

Kaya nag-isip si Ivana ng isang bagay na importante at talagang mapapakinabangan ni Hash.
Dahil ayaw ni Hash ng mga materyal na bagay, isang lupa nalang ang ibibigay ni Ivana sa kapatid.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“Ang tagal kong prinepare na bilhan nalang siya ng lupa niya. Para at least, magagamit niya. Puwede niya ipatayo para sa magiging asawa niya, sa mga anak niya, for his future. At least ito [lupa] hindi siya masasayang,” ani Ivana sa vlog.

Para matagumpay na maisagawa nina Ivana ang sorpresa nila para kay Hash, isang alibi ang naisip nito.

Inakala ni Hash na simpleng site-visit lang ang gagawin nila sa papatayuan ng bahay ni Ivana. Wala itong kaalam-alam na pupuntahan nila ang sarili nitong lupa na binili ni Ivana para sa kanya.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Para hindi mahalata, ay una muna nilang binisita ang lupa ni Ivana. Nagkuwento ng konti si Ivana sa plano nilang desenyo ng bahay.

Pagkatapos matingnan ang lupa, agad na tinungo nina Ivana ang nabili niyang lupa para sa kapatid.
Idinaan naman ni Ivana sa larong “Deal or No Deal” ang pagbubunyag nito sa kapatid ng kanyang sorpresa. Game na game naman si Hash sa pakulo nito.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Nang mabasa ang laman ng briefcase na bitbit ni Ivana na naglalaman ng titulo ng lupa, ay naging emosyonal si Hash. Hindi ito makapaniwala at inakala pa nito na pina-prank lang siya ni Ivana.
Sabi ni Hash, “Why does it have my name? No way. Is this a prank?”

Sagot naman ni Ivana, “No, tunay! You said you don’t want stuff, so we decided to get you a land.”

Credit: Ivana Alawi YouTube

Aniya, “It’s too much, Mariam [totoong pangalan ni Ivana]. I can’t believe it.”

Sambit ng ina nila, “Yes, this is too much. Naiiyak ako.”

Sa huling bahagi ng vlog, sinabi ni Mona, bunsong kapatid ni Ivana, na itinuturing nilang “best sister” ang actress-vlogger dahil sa ipinapakita nitong pagmamahal at pagpapahalaga sa kanila.