Kapatid ni Ivana Alawi na si Hashim, speechless at sobrang kinilig sa pagdalaw ng kanyang ‘crush’ na si Donnalyn Bartolome sa kanilang bahay!

Marami ang humahanga kay singer-actress Donnalyn Bartolome dahil sa kanyang kabaitan at mala-manikang kagandahan. At sa milyun-milyong tagahanga ni Donnalyn, isa pala rito ang kapatid ni YouTube star Ivana Alawi na si Hashim.

Credit: @hash.alawi Instagram

Kaya naman nang dumalaw si Donnalyn sa bahay ng pamilyang Alawi ay na speechless at hindi maitago ng kapatid ni Ivana ang kanyang kasiyahan at kilig!

Sa latest vlog ni Ivana, nakipag-collaboration siya kay Donnalyn para supresahin ang kanyang kapatid na si Hashim.

Credit: Ivana Alawi YouTube

May bagong pakulo kasi na naisip si Ivana at ito ay maging “yaya for a day” sa kanyang pamilya.

Wala namang kaalam-alam si Hashim na nagtawag pala ng backup si Ivana sa katauhan ni Donnalyn na matagal na niyang ‘crush’.

Halos mapunit nga ang labi ni Hashim dahil sa lapad ng kanyang ngiti nang makita na niya si Donnalyn.

Credit: Ivana Alawi YouTube

“Suprise! Your crush is in here, Ms. Donnalyn Bartolome!” ani Ivana.

Kitang-kita sa reaksyon ni Hashim ang labis na kasiyahan at kilig nang sa wakas ay nakita na niya ang kanyang hinahangaan.

Napahiyaw na lamang sina Ivana, Mama Alawi at Mona sa sobrang kilig dahil nahihiya at halos hindi makatingin si Hashim kay Donnalyn.

Pagbubunyag pa ni Ivana, unang beses umanong nagka-crush ang kanyang kapatid at si Donnalyn ito kaya naman labis ang pamumula ni Hashim sa sobrang kilig at saya. Kaya sa halip na si Hashim ang amo ay ito pa mismo ang nagsilbi kay Donnalyn.

Credit: Ivana Alawi YouTube

Imbes na si Donnalyn ang maghugas ng kanilang pinagkainan ay inagaw ni Hashim ang mga plato at siya na ang naghugas. At tulad ng tipikal na magkakapatid, pinutakte ng asar nina Ivana at Mona ang kanilang kapatid nang pinakain ito ng prutas ni Donnalyn.

Mas lalo namang kinilig ang lahat nang kantahan ni Donnalyn si Hashim ng kanyang sikat na kanta na “Kakaibabe”.

Mukhang alam na nga ni Ivana ang kanyang gagawin kung gusto niyang asarin ang kanyang kapatid dahil sa halos wala itong masabi sa harap ni Donnalyn.

Ikwenento naman ni Hashim na kaya niya nagustuhan si Donnalyn ay dahil nagandahan siya rito at sobrang ‘down to earth’ at ‘genuine’ umano nitong tao.

Credit: Ivana Alawi YouTube

At kung may chance man na magka-developan sina Hashim at Donnalyn, botong-boto naman si Ivana sa dalaga para sa kanyang kapatid.

“Kay Donnalyn…boto ako. I like Donnalyn. She’s nice.”

Pagkatapos naman ng kanilang vlog, ipinost ni Hashim ang cute picture nilang dalawa ni Donnalyn na pinusuan ng maraming netizens.

At kung noon hindi naniniwala si Donnalyn na crush siya ni Hashim dahil hindi umano siya nito pina-follow sa Instagram, tila nakumpirma naman niya ito matapos siyang i-follow ng binata.

Samantala, mula nang inupload ni Ivana ang nasabing vlog noong March 2 ay umabot kaagad sa mahigit 5 million ang nakapanood nito sa YouTube.