Kapatid ni Jake Ejercito na si Jerika, nabiyayaan na ng isang napakagandang baby girl!

Masayang inanunsyo ni Jerika Ejercito sa publiko ang bagong miyembro ng kanilang pamilya na si Marta Eleanor.

Credit: @jerikaejercito Instagram

Kilala si Jerika bilang anak ng dating Presidente na si Joseph Estrada. Maliban sa kanyang pagkakakilanlan bilang isang Ejercito, hinahangaan din si Jerika dahil sa kanyang pagiging responsable na ina sa apat na lalaking mga anak.

Hindi madali ang maging isang ina sa apat na makukulit na mga anak pero sa sitwasyon ni Jerika, parang natural lamang sa kanya ang pagiging isang mother.

Credit: @jerikaejercito Instagram

Matapos ang magkakasunod na mga lalaking anak, nabiyayaan na rin sa wakas si Jerika ng babaeng anak. Sa naramdaman niyang labis na kasiyahan, ibinahagi niya ang magandang balita sa Instagram.

“We welcomed our fifth child and only daughter, Marta Eleanor Aguilar Ejercito on the 18th Of September 2021, 6.33pm,” pagpapakilala ni Jerika sa babaeng anak.

Credit: @jerikaejercito Instagram

Ayon kay Jerika, hindi umano nila inaasahan ng kanyang asawa na si Miguel Aguilar Garcia na isisilang niya ang ikalimang anak ng medyo maaga taliwas sa kanilang pag-aakala na lalabas pa ito sa unang linggo ng October.

“We were not expecting her until the first week of October but God and Marta Eleanor had other plans☺️🌼,” sabi ni Jerika.

Sa mga larawang ibinahagi ni Jerika kung saan ay makikitang mahimbing na natutulog si baby Marta Eleanor, maraming netizens ang nakapansin sa matangos nitong ilong.

Credit: @jerikaejercito Instagram

Sa comment section ng mismong post ni Jerika, pinagkaguluhan at kinagiliwan ng kanyang fans at followers ang kakyutan ni baby Marta Eleanor.

“Aaahh congratulations, ate!! She’s beautiful 😍🤍✨”

“Omg she’s so cute. Congrats babe 😘😘😘”

“Congratulations angel ❤️ such a beautiful baby girl 😍”

Credit: @jerikaejercito Instagram

Ibinahagi rin ni Jerika ang mga bagay na napansin niya kay baby Marta Eleanor.

“Our little girl is calm as can be, latches way better than all her kuyas😅 and loves being cuddled all throughout the day and night which I totally do not mind,” kuwento ni Jerika.

Bilang isang ina, wala na siyang mas isasaya pa nang nabiyayaan ng bagong miyembro ang kanilang pamilya at ngayon ay isa ng babae!

Credit: @jerikaejercito Instagram

“She has invigorated our family by her presence; we are still reeling with excitement and joy just by having her..she’s our missing piece🧩 now we are COMPLETE,” sulat ni Jerika sa huling bahagi ng kanyang caption.

Hindi rin naiwasan ng netizens ang mapansin ang ginamit na hashtag ni Jerika na “#FiveAndDone” na nagpapahayag na huli na umano nila itong baby ng asawa na si Miguel, isang Spanish.

Abril 4 ngayong taon nang unang inanunsyo ni Jerika ang pagbubuntis niya kay Marta Eleanor. Sa kanyang caption, isinulat niya ang: “Aaaaaaand it’s the last. We promise… Maybe🤞🏼”