Kapuso actor na si David Licauco, pinakilig ang marami matapos ihayag ang kanyang paghanga sa napakagandang si Julie Anne San Jose

May bagong loveteam na naman na magpapakilig sa mga manonood. Ito ang tambalan nina “Asia’s Pop Diva” Julie Anne San Jose at Kapuso heartthrob David Licauco.

Credit: @myjaps Instagram

Bibida sina Julie Ann at David sa bagong handog na drama serye ng GTV na “Heartful Cafe”. Sa mga hindi nakakaalam ang GTV ay sister channel ng GMA network.

Kilig overload nga ang hatid ng sweet photo na ipinost ni David sa kanyang Twitter account kung saan makikita ang closeness nila ni Julie Anne.

Credit: @davidlicauco Instagram

Halos magwala naman ang netizens sa Twitter dahil sa sobrang kilig matapos mabasa ang sweet caption ni David sa litrato.

Sa caption ay tahasang sinabi ni David ang tunay niyang nararamdaman para sa kanyang leading lady.
Ani Jeric, “Ay yung crush ko”

Hindi talaga maitatago ang taglay na chemistry nina Julie Anne at David na kapansin-pansin sa kanilang litrato.

Credit: @gmanetwork Instagram

Kaya naman pinutakte ang kanilang sweet photo ng samu’t saring komento mula sa mga netizen.
Hindi maiwasan ng maraming netizens na punahin ang pagiging bagay sa isa’t isa nina Julie Anne at David.

Narito ang ilang komento ng kanilang mga tagahanga:

“vaklaaa ano na?? kilig ako yung inaantok na ako tapos nakita ko pop up notif n david Patay nabuhay kaluluwa ko ahahah”

“Ganda ng crush mo, Congrats David ligawan mo na.”

Credit: @myjaps Instagram

“woww this is it!! finally you’re here wd us…we’re extremely happy, love you guys JulieVid, our fav beautiful pair, yesssss yieyyyyy”

“Bakit di mawala yung ngiti ko grabe kayo magpakilig pano pa kaya kapag naging real na”

“Ayieeh bagay kayo sobra.. kilig naman si ako”

Credit: @myjaps Instagram

Samantala, ito ang unang beses na magtatambal sa isang proyekto sina Julie Anne at David kaya naman inaabangan na ng lahat ang nakakakilig na tambalan nila sa “Heartful Cafe”.

Makakasama naman nila sa serye ang aktor na si EA Guzman na gaganap bilang dating kasintahan ni Heart Fulgencio na ginagampanan naman ni Julie Anne.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Bukod kay EA, bibida rin sa serye sina Zonia Mejia, Jamir Zabarte, Ayra Mariano at Victor Anastacio. Wala pang eksaktong petsa kung kailan ipapalabas ang “Heartful Cafe” ngunit tiyak na papatok ito sa mga manonood dahil ngayon pa lamang ay umaani na ng maraming atensyon ang nakakalig na loveteam nina Julie Anne at David.