Kapuso actor na si Jak Roberto, natupad ang isa sa kanyang mga bucket list at nakabili ng isang bagong property!

Maraming pagsubok at paghihirap na pinagdaanan ang Kapuso actor na si Jak Roberto bago niya marating ang tinatamasang kaginhawaan niya ngayon sa buhay.

Credit: Jak Roberto YouTube

Kabilang naman sa mga pangarap ni Jak mula pa noong hindi pa siya isang artista ay ang makabili ng kanyang sariling bahay na pagtatayuan niya ng isang bahay.

At hindi na lang ito isang pangarap ngayon ni Jak matapos niyang makabili ng isang malawak na lote na plano niyang patayuan ng bahay sa hinaharap.

Sa hinagap ay hindi nga raw naisip ni Jak na matutupad ang kanyang pangarap na makabili ng sariling lupa kaya naman masasabi niyang sobrang blessed siya.

Credit: Jak Roberto YouTube

Pahayag ni Jak, “I feel so blessed guys kasi ni hindi ko talaga naisip before na makakabili ako ng lupa.”

Ipinasyal ni Jak ang kanyang mga subscriber sa kanyang latest vlog sa nabili niyang lote na malapit lamang sa bahay ng kanyang kapatid na si Sanya Lopez.

Ikwenento ni Jak ang hirap na pinagdaanan nila ni Sanya pagkatapos pum@naw ng kanilang ama. Ayon kay Jak, naranasan nila ni Sanya na magpalipat-lipat ng bahay at hindi alam kung saan sila makikitira.

Credit: Jak Roberto YouTube

Aniya, “Nung bata pa lang kami ni Sanya, talagang marami din kaming struggle kung saan kami makikitira before nung namat@y yung Tatay namin.”

Kaya naman nasa bucket list daw talaga niya ang makabili ng sariling lupa. Balak din ni Jak na siya mismo ang magpapatayo ng kanyang sariling bahay sa lupang kanyang nabili.

Credit: Jak Roberto YouTube

Aniya, “Nag-invest ako sa lupa kasi, matagal ko ng pangarap ‘yon guys. Lahat naman tayo nangangarap na magkaroon ng property. Isa ‘to sa mga nasa bucket list ko, na someday uunahin ko talaga ang kumuha ng lupa and magbi-build ako ng sarili kong bahay, gusto ko ako talaga yung magpapatayo.”

Credit: Jak Roberto YouTube

Masasabi naman ni Jak na blessing in disguise ang mga natatanggap niyang proyekto ngayong panahon ng p@ndemya. Dahil umano sa maraming proyekto na kanyang natanggap kaya siya nakapag-ipon ng pera upang mabili ang nasabing lupa.

Credit: Jak Roberto YouTube

Ani Jak, “Sobrang thankful ako sa lahat ng nagta-trust sa akin, especially sa mga naging endorsement ko during this time of p@ndemic diba, blessing in disguise nagkaroon po tayo ng mga endorsement and dun po nanggaling yung ipon ko dito.”

Taos-puso rin na pinasalamatan ni Jak ang kanyang mga tagahanga na patuloy siyang sinusuportahan sa kanyang karera.

Mensahe ni Jak sa kanyang mga tagahanga, “Maraming-maraming salamat po sa walang sawang suporta niyo sa akin, and kasama po kayo sa lahat ng success ko, sa lahat ng magandang nangyayari po sa akin.”