Kapuso actor na si Rocco Nacino, engaged na sa kanyang longtime girlfriend na si volleyball star Melissa Gohing

Masayang inanunsyo ni Kapuso actor Rocco Nacino ang engagement nila ng kanyang matagal nang girlfriend na si Melissa Gohing.

Credit: Rocco Nacino Instagram         

Ngayong araw, November 20, ay napa-‘oo’ ng “Descendants of the Sun” star si Melissa na girlfriend na niya ng tatlong taon.

Sa kanyang Instagram post, ay makikita ang napakagandang setup na inihanda ni Rocco para sa kanyang wedding proposal. Napaka-romantic ng proposal spot ng aktor. Pinalibutan sina Rocco at Melissa ng mga bulaklak at mga lights. Overlooking ang view ng lugar at makikita rin ang napakagandang sunset.

Credit: Rocco Nacino Instagram

Sulat naman ni Rocco sa caption, “20/11/20 And she said yes. [heart emoji] I love you Forever @gohingmelissa”

Naka-tag din sa caption ni Rocco ang Nice Print Photo, isang sikat na photography services company at ang sikat na event florist na si Gideon Hermosa.

Maraming kasamahan naman ni Rocco sa showbiz industry ang nagpaabot ng kanilang pagbati para sa newly-engaged couple.

Credit: Rocco Nacino Instagram

Komento ni Kapuso actress Winwyn Marquez, “I LOVE YOU BOTH SO MUCH. SO HAPPY NA WITNESS KO YUNG MOMENT NA TO CONGRATS!!!!”

Sabi naman ni Arra San Agustin, “Wah didn’t make it! But congratulations you guys! So happy for you both!”

Credit: Rocco Nacino Instagram

Ilan pang artista na bumati kina Rocco at Mellisa sina Mark Herras, Heart Evangelista, Edgar Allan Guzman, John Prats at Dianne Medina.

Samantala, sa Instagram story naman ni Rocco ay mapapanood sila ni Melissa na masayang sumasayaw sa tugtog ng isang Trumpet music. Makikita rin sa video ang kumikinang na diamond engagement ring ni Melissa.

Credit: Rocco Nacino Instagram

September 18, 2017 nang maging magkasintahan sina Rocco at Melissa. Kamakailan nga ay masayang nagdiwang sina Rocco at Melissa ng kanilang ikatlong taong anibersaryo bilang magkasintahan.

Isang sweet message ang isinulat ni Rocco para sa kanyang “better-in-every-way-half”. Kalakip ng kanyang inihandang video kung saan ay mapapanood ang ilan sa mga adventure at milestone nila bilang magkasintahan ang isang sweet message.

Credit: Rocco Nacino Instagram

Ani Rocco, “Happy 3rd Mi amor!❤ Last week was a stressful week but Sept 18 was definitely the highlight of this year for me. A beautiful surprise from my love @gohingmelissa on our 3rd Anniversary! Grabe ka dito love, thank you for always being the best at what you do, and what you do for me. I love you, Happy 3rd Anniversary to us Mi Amor❤”

Dagdag ni Rocco, “I love you Mel!❤”

Credit: Rocco Nacino Instagram

Sa mga hindi nakakaalam, si Melissa ay dating miyembro ng De La Salle Lady Spikers na ngayon ay naglalaro para sa Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball League.