Ikinasal na si Kapuso actor Rocco Nacino sa kanyang longtime partner na si volleyball star Melissa Gohing.

Sa isang Instagram post ay masayang ibinalita ni Rocco na opisyal nang Mrs. Nacino si Melissa. Ibinahagi rin ni Rocco sa kanyang Instagram post ang ilang wedding photos nila ni Melissa. Nangyari ang pag-iisang dibdib nina Rocco at Melissa nitong January 21.
View this post on Instagram
Espesyal naman ang kanilang naging wedding ceremony na isang military civil wedding. Para sa mga hindi nakakaalam, si Rocco ay kasalukuyang miyembro ng Philippine Navy bilang isang ‘reservist’. Nagsilbing venue nga ng kasal ng celebrity couple ang isang Navy warship na nakadaong sa isang pier.

Suot ni Rocco sa kanyang kasal ang isang espesyal na military uniform habang si Melissa naman ay suot ang kanyang napakagandang wedding dress.

“Yes… we.. did.. 💍 1- 1 – 21. Meet my wife, Mrs Melissa Gohing Nacino,” caption ni Rocco sa mga wedding photo nila ni Melissa.
View this post on Instagram
Sa isang hiwalay na Instagram post, sinabi ni Rocco na nagpapasalamat siya dahil napunta siya kay Melissa na nagturo sa kanya na maging positibo palagi kahit pa nahaharap siya sa isang hindi magandang sitwasyon.

Ani Rocco, “As I am someone who easily snaps under stress, I am thankful for this woman whom I now call my wife, who teaches me to see the positive side of every bad situation.”
Dagdag niya, “I’m so excited for the married life with you my love!”
Samantala, inilarawan naman ni Melissa si Rocco bilang kanyang “once in a lifetime”.

Ani Melissa, “I don’t just want to marry you to be with you forever and live happily ever after but because marriage is not easy & it’s a lifetime of ups & downs. You’re the only person I know I can go through all those hurdles with. It’s hard work but it will be worth it. You are my once in a lifetime. Love, your Mrs. Nacino.”
View this post on Instagram
Matatandaan na noong November 2020 nangyari ang engagement nina Rocco at Melissa.
Tatlong taon din na naging magkasintahan sina Rocco at Melissa.

Sa kasalukuyan ay naglalaro si Melissa para sa koponan ng Creamline Cool Smashers sa Premier Volleyball league.