Kapuso actor Wendell Ramos, masaya sa pagdating ng cute na baby girl nila ng kanyang non-showbiz wife!

May bagong anghel na magpapasaya ngayon sa batikang aktor na si Wendell Ramos. Ito ay ang bagong silang na baby girl nila ng kanyang asawang si Kukai Guevara.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Hindi maitago ni Wendell ang kanyang kasiyahan nang ibahagi niya sa marami na isinilang na ng kanyang misis ang kanilang napakagandang anak.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Wendell ang ilang cute photos ng baby girl nila ni Kukai. Sulat pa ni Wendell sa caption ng kanyang post, “Our little bundle of Joy.” Batay naman sa post ng Kapuso actor, isinilang ng kanyang asawa ang kanilang bagong baby girl na pinangalanan nilang Mary Mardell Ann Ramos noong October 27.

Sinabi naman ni Wendell na nagpapasalamat siya sa Panginoon dahil naging ligtas ang panganganak ng kanyang asawa at ang kanilang baby girl.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Aniya, “Thank you Heavenly Father God for blessing us and keeping my wife and our baby girl koikoi’ (Mary Mardell Ann Ramos) safe…”

Pinasalamatan din ni Wendell ang kanilang pamilya at mga kaibigan na tumulong sa kanilang mag-asawa.

“And also to my in-laws (Family) friends, @krish_official2020 , @paulcabral @nina_aquino210 who helped us na maging ok at panatag ang lahat’mahal ko kayo,” dagdag pa ni Wendell.

Samantala, hindi pa muna makakasama ni Wendell ang kanyang mag-ina dahil kasalukuyan umano siyang nasa lock-in taping. Matatandaang bahagi si Wendell ng Kapuso serye na “Prima Donnas” kaya naman pansamantala muna niyang hindi makakasama ang kanyang pamilya.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Mensahe naman ni Wendell sa kanyang baby girl, “Pasensya na anak, work muna si Dada. I’ll see you soon.. Avu”

Lingid sa kaalaman ng lahat, may isang anak na babae pa sina Wendell at Kukai na si Tanya Ramos. Bukod naman sa kanyang anak kay Kukai, mayroon ding dalawa pang naggwagwapuhang anak si Wendell mula sa kanyang mga dating nakarelasyon na sina Saviour at Dedell Ramos.

Credit: @wendellramosofficial Instagram

Sina Wendell at Kukai ay ikinasal noong 2017 matapos ang maraming taon na pagiging magkasintahan. Noong nakaraang Hunyo naman unang ipinahayag ni Wendell na buntis ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pagtawag niya rito ng “my preggy wife.”

Congratulations Wendell at Kukai!