“Dream come true!” Pahayag ng Kapuso singer at aktres na si Julie Anne matapos siyang ma-feature sa billboard sa Times Square, New York.
Credit: @myjaps Instagram
Marso ngayong taon nang i-launch ng Spotify ang “EQUAL Music Program” kasabay ng International Women’s Day na kumikilala sa mga babaeng singers at artists mula sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.
Isa ito sa mga malalaking event na ginanap ng plataporma kung saan ay layon nilang mas kilalanin pa ang mga magagaling na babaeng musicians.
Credit: @myjaps Instagram
Huwebes, Hulyo 22 nang inanunsyo ng Universal Records sa kanilang opisyal na Facebook account na si Julie Anne ang bagong Filipino singer at aktres na na-feature sa isa sa mga malalaking digital billboard sa New York.
Credit: @myjaps Instagram
Napili si Julie Anne para sa “EQUAL” Campaign ng Spotify na ang layunin ay “Women Empowerment”. Bukod dito ay siya rin ang cover artist sa playlist ng nasabing kampanya sa Pilipinas. Maging ang kanyang kanta na pinamagatan niyang “Free” ay featured din sa “EQUAL” playlist kung saan ay kasama niya ang iilang kanta ng mga sikat na singer sa ibang bansa katulad na lamang nina Ariana Grande at Dojacat.
Credit: @myjaps Instagram
“WE MADE IT TO TIMES SQUARE, NEW YORK!!! 💚Just.. SURREAL. Big thank you @spotify! This is a dream come true! 😍,” pahayag ni Julie Anne sa kanyang post.
Dahil sa nakamit na tagumpay ay labis ang galak at pasasalamat ni Julie Anne sa kanyang mga fans. Nagpaabot din siya ng makabuluhang mensahe para sa lahat ng sumuporta sa kanya sa pamamagitan ng pagbahagi ng larawan niya noong na-feature siya sa malaking billboard sa New York City sa kanyang Instagram account.
Credit: @myjaps Instagram
“Thank you everyone for the undying support and love! Please continue to support all artists from around the world by checking out the @Spotify Equal Playlist and listening to the music of all these amazing and talented women.”
Credit: @myjaps Instagram
Dagdag pa ni Julie Anne, “I couldn’t have made it here without you guys! Maraming maraming salamat at mahal ko kayong lahat!”
Nagpaabot naman ng pagbati ang iilang kasamahan at kapwa celebrities ni Julie Anne sa pinakabagong milestone sa kanyang karera bilang isang mahusay na mang-aawit.
Credit: @myjaps Instagram
“Congratulations, shooollliiieeee 😍,” sabi ni Bianca Umali.
“WOHHOOO!!! Nice one shoolie!!!! ❤️,” komento ni Gabbi Garcia.
“Wow! Congrats Julie. 🙌” pagbati naman ni Ruru Madrid.