Kapuso actress Bea Alonzo, blooming at masayang-masaya nang ikwento ang relasyon nila ng nobyong si Dominic Roque

Kitang-kita ang kasiyahan sa mukha ng Kapuso actress na si Bea Alonzo nang humarap siya sa isang panayam matapos ang halos isang buwan niyang pagbabakasyon sa Amerika.

Credit: @beaalonzo Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na kasama ni Bea na nagbakasyon sa Amerika ang aktor na si Dominic Roque.

Maraming netizens naman ang kinilig sa sweet photos nila ni Dominic. Kaya ang tanong ng marami sila na ba?

Credit: @beaalonzo Instagram

Tinuldukan nga ni Bea ang mga haka-hakang sila na ni Dominic pagkatapos niyang kumpirmahin mismo ito sa panayam sa kanya ng showbiz reporter na si Nelson Canlas.

Nitong August 9, inilabas ng GMA News ang exclusive interview ni Nelson kay Bea. Sa panayam, inamin ni Bea na official na silang magkasintahan ni Dominic.

Credit: @dominicroque Instagram

Ayon naman kay Bea, hindi niya plinano na ngayon lamang kumpirmahin ang relasyon nila ni Dominic sa kabila ng matagal nang espekulasyon ng marami na may namamagitan sa kanilang dalawa.

Ani Bea, “To be honest, it wasn’t as if like masyado ko siyang plinano…It just came out naturally. Alam ko na prior to the posting, marami nang haka-haka ang mga tao-tao.”

“It’s not like I was trying to hide it. I think I was just trying to be careful given my past experience. Siyempre gusto kong masiguro muna kung saan siya pupunta bago siya gawing official,” dagdag niya.

Credit: @dominicroque Instagram

Matatandaaang 2020 pa lumabas ang mga balitang may relasyon sina Bea at Dominic dahil sa mga nagkalat na litrato nilang tila nagde-date sa iba’t ibang lugar.

Ngunit noong July lamang tuluyan itong nakumpirma matapos mag-post si Bea sa kanyang Instagram ng sweet at intimate photos nila ni Dominic kuha mula sa kanilang bakasyon.

Sinabi naman ni Bea na masaya siya sa natatanggap niyang suporta mula sa mga tao tungkol sa relasyon nila ni Dominic.

Credit: @dominicroque Instagram

Aniya, “I want to share my happiness. A lot of people have been part of my journey and almost everyone in this country knows my story. I appreciate that they are happy for me.”

“Naiintindihan nila kung saan ako nanggaling, kung saan ako ngayon at saan ko gusto pumunta. I’m very appreciative sa mga reactions. I am happy na everything’s so right, and everything is being celebrated,” dagdag niya.

Samantala, sa kabila ng pagiging ‘public’ ng relasyon nila ni Dominic, iginiit ni Bea na nais niyang panatilihing pribado ang ilang pangyayari sa kanyang love life.

Credit: @dominicroque Instagram

“Even sa past relationships ko, hindi naman ako super open about it. I think treasured moments ng relationship ay ‘yung moments na hindi na-si-share sa social media. I want to keep it that way,” ani Bea.

Huling nakarelasyon ni Bea ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson na ngayon ay masayang-masaya sa piling ng kanyang bagong nobya na si Julia Barretto.