Kapuso couple na sina Joyce Pring at Juancho Triviño, soon-to-be parents na sa kanilang “Baby Number Juan”!

Magiging mommy at daddy na ang celebrity couple na sina Joyce Pring at Juancho Triviño dahil paparating na ang kanilang “Baby Number Juan”.

Credit: @juanchotrivino Instagram

Masaya at excited na inanunsyo nina Joyce at Juancho sa kani-kanilang Instagram account ang magandang balita.

Bagong pagkukunan nga ng kasiyahan nina Joyce at Juancho ang kanilang unang anak. Sa isang fun photo shoot ay makikita ang celebrity couple na ibinibida ang baby bump ni Joyce.

Sa mga litratong kanilang ipinost ay makikita rin ang sonogram pictures ng kanilang unang baby.

Credit: @juanchotrivino Instagram

“From #Juanchoyce to #BabyNumberJUAN… From #TheTrivinos to now becoming #TheTHREEvinos…Fam, we’re excited to share with you all the news… we’re gonna have our own #BundleofJoyth and he/she is ready to say hello this 2021!!!!!!” caption ni Joyce sa mga litrato nila ni Juancho kasama ang kanilang “Bundle of Joyth”.

Halata namang excited na rin si Juancho na maging isang ganap na “daddy”.

Saad ni Juancho, “THREEvinos coming soon!! Yes, we are pregnant! Im going to be a dad. 😭”

Isang taon lamang matapos silang ikasal ay biniyayaan kaagad ng Diyos sina Joyce at Juancho ng supling.

Matatandaan na nito lamang February 9, masayang ipinagdiwang nina Joyce at Juancho ang kanilang unang wedding anniversary.

Credit: @juanchotrivino Instagram

Sa kanilang wedding anniversary, binalikan at ibinahagi nina Joyce at Juancho ang mga naging karanasan nila bilang mga newlywed couples.

Pag-amin nga ng celebrity couple, nagmistulang rollercoaster ride ang unang taon ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Ani Joyce, “Our relationship isn’t perfect, and our first year of married life certainly wasn’t easy…But after one year, I can honestly say that yes, may mga araw po na hindi kami sure kung alam namin tong ginagawa namin, pero isang bagay ang sigurado ako: pipiliin ko si Juancho, a million times over – to marry him, choose him, love him, take care of him, annoy him, be quarantined with him, do life with him and no one else – because I know he is God’s best for me, and I for him. Even on the hardest days – ESPECIALLY on the hard days – I knew I made the right choice.”

Credit: @juanchotrivino Instagram

Saad naman ni Juancho, “One year has passed since #PringHomeTheJuan , where this girl made my dreams come true(literally)…As i am writing this caption, I feel emotional because for the past year, I have been blessed enough to wake up beside my bestfriend and the love of my life each and everyday. That I know, I will never be alone and I will always have that one person beside me through thick and thin, I will always Praise God for this soul right here, and thank him that he has given me the responsibility of having and holding you for the rest of my days.”