Isa nang ganap na ama si Kapuso actor-dancer Mark Herras matapos isilang ng kanyang fiancèe na si Nicole Donesa ang kanilang panganay na anak. Nitong January 31, ipinanganak ni Nicole ang isang malusog na lalaking sanggol na pinangalanan naman nila ni Mark na Mark Fernando.
Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktor ang ilang litrato ng kanyang mag-ina kuha mula sa delivery room. Isinilang ni Nicole ang panganay nila ni Mark sa pamamagitan ng ces@rean section.
Sa kanyang Instagram post, ikwenento ni Mark na 12 oras na nag-labor si Nicole bago nagdesisyon ang kanilang d0ktor na isailalim na ito sa caes@rean section.
Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram
Proud naman si Mark sa kanyang fiancèe dahil sobrang tapang nito at tiniis ang hirap na kaakibat ng kanyang panganganak para lamang maisilang nang ligtas at malusog ang kanilang anak.
Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram
Kwento ni Mark, “I’m so proud of you itchy koooo… Akala natin makakasama ako habang nag labor ka pero hindi pala pwede 12 hrs. na Ikaw lang magisa pagod puyat at takot ka wala akong magawa tapos biglang sinabi ni doc na CS ka.”
Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram
Matapos nga ang tatlong araw nilang pamamalaagi sa 0spital ay masayang ibinalita ni Mark na nakauwi na ang kanyang mag-ina sa kanilang bahay.
View this post on Instagram
Aniya, “napaka tapang mo itchybear tapos after 3 days & 2 nights nakauwi na tayo agad grabe ang lakas ng asawa ko”
Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram
Dagdag niya, “Napaka swerte namin ni Corky my love!!! Very goodjob mameeehhh!!! I love you so much to ♾ beyond!! Mahal na mahal ko kayo ni Corky!!!”
Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram
Samantala, handa na rin si Mark at si Nicole na harapin ang panibagong hamon ng kanilang pagiging magulang.
View this post on Instagram
Ayon kay Mark, simula na umano ng kanilang pagpupuyat bilang mga magulang sa kanilang napaka-cute na baby boy na tinatawag din nilang “Corky”.
Ani Mark, “Puyat mode activated na [tayo] pero ngayon magkasama na [tayo] and [siyempre] thank you kay nana dahil mas naging madali ang lahat!! Labyu mitaaaaa!!! Maraming salamat po!! Papaskie excited na po yung apo nyo sa paguwi nyo po see you soon papaskieee 🐻👶🏻🐷”
Credit: @herrasmarkangeloofficial Instagram
Matatandaan na noong June 2020 ay inanunsyo nina Mark at Nicole na sila ay engaged na. Makalipas naman ang tatlong buwan ay masaya nilang ibinahagi sa kanilang YouTube vlog na sila ay soon-to-be parents na sa kanilang unang anak.