Karla Estrada, hinangaan ang isang maparaang nanay na kasama sa nakatanggap ng ibinahagi niyang ayuda

Kilala tayong mga Pinoy na madiskarte sa buhay. Kahit ano man ang problema, simple man o mahirap, ay nahahanapan natin ng solusyon. Mas nagiging madiskarte rin tayo lalo na para sa kapakanan ng ating mga mahal sa buhay.

Katulad na lamang ng isang “maparaang nanay” na ibinida ni “Magandang Buhay” host Karla Estrada sa kanyang Instagram post nitong November 17. Sa kasagsagan kasi ng pamimigay ni Karla ng relief goods sa Montalban, Rizal ay nakita niya ang isang nanay na nagsuot ng sanitary n@pkin imbes na face mask.

Credit: KARLA ESTRADA Instagram

Para lamang makuha ang relief goods para sa kanyang mga anak na hindi pa nag-aalmusal ay nag-improvise nalang ang nasabing nanay ng face m@sk.

Hindi naman lingid sa ating kaalaman, na bukod sa bagy0 ay may nararanasan pa tayong isang kr!sis ngayon, ang c0vid !9. Kaya naman mandatory ang pagsusuot ng face m@sk.

Sa oras nga na namimigay sila Karla ng relief goods ay tila walang mahanap na face m@sk ang nasabing nanay kaya imbes na walang maisuot ay dumiskarte nalang ito at nagsuot ng sanitary n@pkin.

Ayon pa sa kwento ni Karla, kailangan na umano talagang makuha ng nasabing nanay ang ayuda dahil hindi pa umano kumakain ng almusal ang kanyang mga anak.

Hanga naman si Karla sa pagiging madiskarte ng nasabing nanay para lamang may maiuwing pagkain sa kanyang mga anak.

Sulat ni Karla sa caption, “Maparaan talaga ang mga momshie! Mabuti na ang may takip sa ilong at bibig kesa wala! Nagulat din ako kay nanay pero kailangan nyang makuha ang ayuda nya at di pa daw nag aalmusal ang mga anak nya. #madiskartengnanay #labanlangmomsh”

Credit: KARLA ESTRADA Instagram

Sa Montalban, Rizal unang namigay sina Karla pati na rin ang kanyang pamilya at mga supporter ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ng mga relief good.

Matatandaang isa ang lungsod ng Rizal sa mga labis na naapektuhan ng pananalasa ng nagdaang bagy0ng Ulysses. Samantala, hinangaan at kinaaliwan din ng maraming netizen ang pagsusuot ng nasabing nanay ng sanitary n@pkin. Komento ng netizens:

“Galing ni nanay gagawin nya talaga ang lahat para sa anak ang swerte ng mga anak nya.”

Credit: KARLA ESTRADA Instagram

“ganyan tayo mga pinoy maparaan”

“verygood may utak ang pinoy keep safe momshie”

“Nakakataba ng heart naman. There are many ways talaga. No hiya-hiya. Diskartehan is life. Proud to be Pinoy, maparaan.”