Karla Estrada, inireveal ang kwento sa likod ng letrato ng TV guesting niya kasama si Daniel Padilla nung baby pa ito

Mapagtatanto lamang natin na mahabang panahon na pala ang lumipas matapos ang ating pagbabalik-tanaw sa mga magagandang alaala ng kahapon katulad na lamang ni Karla Estrada na nagkaroon ng “trip down to memory lane” kumakailan lamang sa pinakaunang appearance ng kanyang panganay na si Daniel Padilla!

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Lingid sa kaalaman ng karamihan, hindi ang teleseryeng “Gimik” noong 2010 na pinagbibidahan nina Rico Yan, Judy Ann Santos, Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Deither Ocampo, at iba pang nagsisikatang artista ang pinakaunang pagkakataon na natunghayan natin si Daniel Padilla sa telebisyon dahil baby pa lamang siya sa kanyang pinakaunang appearance kung saan ay karga-karga pa lamang siya ng kanyang Ermats na si Karla Estrada.

Mula pa man sa kanyang dalaga days, isa na si Karla sa mga sikat at promising na mga aktres sa industriya ng showbiz at kahit na’y naging isang Momshie man sa edad na 20, matagumpay pa rin niyang napanatili ang kanyang magandang career. Of course, hindi naman easy ang pagiging isang batang ina kaya talagang aminado si Karla na nahirapan siyang ibalanse ang kanyang oras at atensyon sa noo’y chikiting na si Daniel Padilla at ang kanyang career bilang isang aktres.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Sa matinding pagpupursige na maitaguyod ang anak, doble talaga ang hirap at sakripisyo ni Karla at makalipas nga ang maraming taon, matagumpay naman siyang nanatili sa tuktok ng kanyang career at maayos na napalaki ang anak. Sa katunayan, isa na ngayon si Daniel Padilla sa mga pinakasikat na aktor sa Pilipinas!

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Ngayong binata na at matagumpay rin na nakabuo ng sariling pangalan sa mundo ng showbiz si Daniel, hindi naiwasan ng kanyang Ermats Karla na magbalik-tanaw sa pinakaunang appearance ng anak sa isang interview noong 1995 kung saan ay matatandaang proud niyang ipinakilala ang chikiting sa publiko.

“A lot of people tagging this pictures to me..me as a 20yr old momshie and 1yr old @supremo_dp. Walang masyadong malalim na dahilan sa kanila ang eksena na ito.. Pero sa akin napaka-importante ng guesting na ito dahil dito unang nakita si Daniel sa telebisyon,” pahayag ni Karla kalakip ng ibinahagi niyang larawan niya kasama ang chikiting na si DJ.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Kaagad naman na nag-react ang netizens sa nag-uumapaw na cuteness ang noo’y batang si Daniel. Kahit na’y isang taong gulang pa lamang, hindi na talaga maipagkakaila ang kagwapuhan nito na namana lang naman niya sa kanyang good-looking na mga magulang na sina Karla Estrada at Rommel Padilla.