Karla Estrada, proud para sa anak na si Magui Planas na pumasa sa isang sikat na kolehiyo sa Australia

Ipinagmamalaki at itinuturing na yaman ng TV host-actress na si Karla Estrada ang kanyang mga anak.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Bukod sa pagiging stage mom sa kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla, isang proud mom din si Karla sa kanyang anak na babae na si Magui Planas na hindi lamang ubod ng ganda kundi sobrang talino rin.

Muli na namang ipinagmalaki ni Karla si Magui dahil sa panibagong achievement nito. Nitong February 5, masayang ibinahagi ni Karla sa kanyang Instagram account na natanggap si Magui sa nangungunang unibersidad sa Australia at isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa buong mundo na University of Melbourne.

Credit: @karlaestrada1121 Instagram

Halos wala ngang pagsidlan ang kasiyahan ni Karla dahil sa natamo ni Magui. Ipinost ni Karla ang sweet photo nila ni Magui kalakip ang acceptance letter na natanggap nito mula sa nasabing unibersidad.

“Congratulations my dearest ate [Magui] for getting into Australia’s #1 university! You got it anak! wooohoooo!!!,” ani Karla sa caption ng kanyang Instagram post.

Credit: @magsford Instagram

Ipinahayag din ni Karla ang kanyang suporta kay Magui sa pagtahak nito sa panibagong yugto ng kanyang buhay.

Mensahe ni Karla kay Magui, “maglayag ka anak at balang araw matutulungan mo ang mas nakakarami.”

Credit: @magsford Instagram

Dagdag niya, “Andito lang ako anak naka alalay sayo [saan] man at ano man ang marating mo. Thank you for always making me happy and proud! I love you!!! Congratulations!!!”

Noong June 2020 ay nagtapos ng kanyang senior high school si Magui sa pamamagitan ng isang virtual graduation ceremony. Matatandaan na si Daniel mismo ang nag-abot kay Magui ng diploma nito.

Credit: @magsford Instagram

Isang sweet message naman ang isinulat ni Karla para kay Magui.

Saad ni Karla, “Chase your dreams my dear Magui! Never stop trying, never stop learning. Live life to the fullest, give it nothing but your best! Congratulations anak! You’re off to great places, I can’t wait to watch you shine as you enter the next chapter in life.”

Samantala, sa kasalukuyan ay nananatili pa rin si Magui sa Amerika kasama ang kanyang ama at dating partner ni Karla na si Mike Planas.