Beauty queen na si Katarina Rodriguez, nagmistulang “goddess” sa ginawang maternity photosho0t!

Paano ba napapanatili ang kagandahan kahit na’y nagdadalang-tao?

Credit: @katarinarodri Instagram

Ito ang madalas na katanungan ng karamihan pero sa sitwasyon ni Katarina Rodriguez, mas lalo pa niyang ikinaganda ang pagbubuntis sa unang anak!

Noon pa man, kilala na sa mundo ng pageantry si Katarina at dahil sa kanyang qualities bilang isang beauty queen, napanalunan niya ang titulong Miss World Philippines noong taong 2018 na naging daan niya upang mas makilala pa, hindi lamang sa pageantry kung hindi ay pati na sa showbiz kung saan ay hanggang ngayon, patuloy siyang sinusubaybayan ng fans at followers.

Credit: @katarinarodri Instagram

Updated sa bawat kaganapan ng kanyang buhay, talagang hindi naging huli sa balita ang kanyang fans sa anunsyo niya nito lamang Agosto na ipinagbubuntis niya ang unang anak nila ng boyfriend na si Nino Barbers.

Credit: @katarinarodri Instagram

Miyerkules, August 11 nang unang ibinahagi ng beauty queen sa Instagram ang larawan niya galing sa ginawa nilang maternity shoot kung saan ay talagang kapansin-pansin ang kanyang nag-uumapaw na kagandahan.

“‘Well, a mother, a real mother, is the most wonderful person in the world. She’s the angel voice that bids you goodnight, kisses your cheek, whispers ‘sleep tight.’ -Peter Pan ✨”

Sa ibinahaging vlog ni Katarina kung saan ay ipinasilip niya ang “behind the scenes” ng ginawa nilang photoshoot sa beach ng Siargao kung saan ay kasalukuyan silang namamalagi ng boyfriend na si Nino, ikinuwento ng beauty queen ang karanasan niya sa photoshoot ngayon na siya’y buntis.

Credit: @katarinarodri Instagram

“You’re gonna see how it’s like to shoot a pregnant woman and to be a pregnant woman trying to model,” saad ni Katarina.

Dagdag pa niya, “This one is gonna be a bit more challenging because it’s very windy outside and I’m gonna be wearing Francis Libiran long dresses, and I’m excited for the shoot because it’s my first high fashion maternity shoot!”

Credit: @katarinarodri Instagram

Ngayon na ilang araw na lamang bago isilang ang kanyang baby, hindi napigilan ni Katarina na muling ibahagi ang iba pang larawang kuha sa kanyang “goddess-inspired” na maternity photoshoot.

“Body of ocean, body of life. 🤍🌊,” sulat ni Katarina sa kanyang caption kalakip ng isang larawan kung saan ay makikita siyang nakasuot ng kulay asul na gown habang nasa beach.

Credit: @katarinarodri Instagram

Kuwento pa niya, pangarap niya talagang magkaroon ng maternity photoshoot kung saan ay magmimistulan siyang goddess na matagumpay naman niyang nabigyang-buhay.

“It’s been challenging posing while pregnant (there’s only so few poses you can do!) so I thought it would be fun to document my dream maternity shoot shot at Daku Island,” ayon kay Katarina.

Talagang walang kakupas-kupas ang kagandahan ng isang Katarina Rodriguez!