Naging laman ng balita kamakailan lamang ang mga post ng mga ina nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na sina Min Bernardo at Karla Estrada na tila nagpapahiwatig ng kasalan sa pagitan ng mag-on-and-off screen partner na KathNiel.

Sa unang pagkakataon, ay tuluyan nang tinuldukan ng KathNiel ang mga haka-haka ng kanilang fans patungkol sa umano’y kasal nila.

Sa esklusibong panayam sa KathNiel ni MJ Felipe sa ABS-CBN news program na ‘TV Patrol’ ay ibinunyag nila ang totoong mensahe ng mga cryptic post ng kanilang mga ina sa Instagram.

Masayang inanunsyo ng KathNiel na ikakasal sila sa kanilang upcoming digital movie series na ‘The House Arrest of Us’.

Masayang ikwinento ng KathNiel, “We’re getting married…”
Pagkatapos ng ilang segundo ay dinugtungan nila ito at sinabing, “… sa pinakabagong handog sa ating lahat ng Star Cinema. The first ever digital movie series, ang ‘The House Arrest of Us.'”

Nilinaw naman ng KathNiel na kahit magkatunog sa huling proyekto na ginawa nila noong 2018 na ‘The Hows of Us’ ang bagong digital movie series ay hindi raw ito part two o sequel ng pelikula.

Ani Kathryn, “It’s not a sequel. Basically, hindi naman siya connected sa ‘The Hows of Us.’ It is a family series and nandun din ‘yung romance, halo-halo siya but it’s not related kay George at Primo.”

Ang ‘The House Arrest of Us’ ang magiging kauna-unahang proyekto ng KathNiel matapos nilang mapagdesisyunan noong nakaraang taon na hindi muna magsama sa kahit anong proyekto bilang magka-loveteam.

Ayon sa balita ni MJ Felipe, ang kwento ng bagong proyekto ng KathNiel ay iikot sa dalawang tao na na-l0ckdown sa iisang bahay kasama ang kani-kanilang pamilya.
Ani MJ, “Ang ‘The House Arrest of Us’ ay isang romantic family digital movie series na hinati sa 13 parts. Tungkol sa dalawang tao na na-l0ckdown sa iisang bahay kasama ang kani-kanilang pamilya.”
Ilan sa mga kasamahang artista nina Kathryn at Daniel sa digital movie series ay sina Gardo Versoza, Ruffa Gutierrez, Dennis Padilla at marami pang iba.

Ikwenento naman ng KathNiel na kaya nila ginawa ang proyekto kahit sa gitna ng p@ndemya ay para makapagbigay sila ng saya sa kanilang fans.
Ani Daniel, “Kaya rin naman namin ginawa ‘to, MJ…kaming lahat dahil gusto namin bigyan ng kasiyahan ‘yung mga tao eh, ‘di ba? Ngayon sa panahon natin na ang daming ibinibigay na pagsubok at problema, gusto natin magbigay ng ngiti.”

Mapapanood ang digital movie series ng KathNiel ngayon October 24 sa ‘ktx.ph’ at October 25 naman sa ‘iwantTFC’.
Panoorin ang panayam sa KathNiel sa video na ito: