KathNiel, natuloy na ang matagal na planong mag-camping kasama sina Joshua Garcia, Ria Atayde at Sofia Andres

Kinakailangan rin ng mga artista na magkaroon ng break sa trabaho. Bilang pampatanggal ng stress ay napagdesisyunan ng on at off screen partners na sila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kasama ang ilang malapit na kaibigang celebrities na pansamantalang iwan muna ang maingay na siyudad at magpunta sa isang tahimik at mapayapang lugar para mag-relax.

Credit: @bernardokath Instagram

Kasama sa getaway nina Kathryn at Daniel o mas kilala bilang KathNiel ng kanilang mga fans sila Joshua Garcia, Sofia Andres, at Ria Atayde na kapwa ring celebrities na naging kaibigan nila sa totoong buhay. Kasama rin sa nangyaring trip ang non-showbiz fiancé ni Sofia na si Daniel Miranda.

Credit: @bernardokath Instagram

Nagbahagi si Kathryn sa kanyang Instagram account ng mga larawan mula sa kanilang camping trip.

Ayon pa sa aktres ay matagal na umano niyang gustong mag-camping at ngayon lamang niya ito nabigyan ng pagkakataon na talagang gawin.

Credit: @bernardokath Instagram

“Been wanting to try camping for quite some time now, and I’m so lucky I got to finally experience it with this awesome group!” pahayag ni Kathryn sa kanyang caption.

Ayon kay Kathryn ay masaya umano ang kanilang trip mula sa pagtatayo ng kanilang tent, hanggang sa pagtulong nila sa isa’t-isa na makalagpas sa mga “muddy roads”.

Credit: @bernardokath Instagram

“What an unforgettable time that I’d cherish forever—from building our tents, to passing through and swimming in the river, to trekking and cooking our food while having the most random conversations, and to helping each other get through muddy roads. Grabe. W!LD. 😅,” sabi ni Kathryn.

Sa post naman ni Ria Atayde na siyang naging malapit sa KathNiel simula noong nagkasama sila sa pelikulang “The Hows Of Us” noong 2018 ay nabanggit ng aktres na walang pag-aalinlangan niyang uulitin ang trip kahit sobrang dami man ng “plot twist” na nangyari.

Credit: @bernardokath Instagram

“Plot twist after plot twist but so grateful we did that and that I got to do all of that with you guys. 10/10 would do it again! 🤍,” sabi ni Ria.

Sa Instagram account din ni Sofia at Joshua ay makikita ang kani-kanilang post ng mga larawan na kuha sa kanilang camping trip.

“Core memories,” simpleng caption ni Joshua matapos magbahagi ng 10 larawan.

Credit: @bernardokath Instagram

“Unforgettable & for keeps. ⛺️,” sabi ni Sofia sa kanyang post sa Instagram.

Maaalalang nagkatrabaho ang aktor na si Joshua at ang KathNiel sa pelikula nila na pinamagatang “Barcelona: A Love Untold” noong 2016 at simula noon ay naging close sila sa likod ng kamera.

Samantala, noong 2012 naman nang unang nakilala ng KathNiel si Sofia sa set ng kanilang teleserye na “Princess and I”.