Marahil ay marami na tayong nasaksihang love team na nagkahulugan ng loob sa totoong buhay ngunit iilan lamang sa kanila ang nakaka-sustain ng healthy at long-term na relationship kaya talagang kinabibiliban ng karamihan si Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil sa kabila ng maraming pagsubok ay nananatili silang matatag sa loob ng sampung taon bilang isang couple.
Credit: @bernardokath Instagram
Simula nang ipinagtambal, patuloy na sa pagpapakilig si Kathryn Bernado at Daniel Padilla o kung tawagin ng kanilang fans bilang “Kathniel”. Hindi lamang sa harap ng kamera nananatili ang kanilang chemistry dahil kahit offscreen ay nagagawa pa rin ng dalawa na makapaghatid ng kilig kaya naman, isa sila sa mga sikat na loveteams na talagang sinusubaybayan ng karamihan.
Sa patuloy na paglipas ng panahon, nananatili pa rin na matatag si Kathryn at Daniel, mapa-onscreen o offscreen man. Sa katunayan, ipinagdiwang nila kumakailan lamang ang kanilang ikasampung anniversary bilang couple kung saan ay nagkaroon sila ng maikling bakasyon sa Thailand.
Bilang celebration sa isang dekada nilang pagmamahalan, napagkasunduan ni Kathryn at Daniel na magpunta sa Chiang Mai, Thailand kung saan ay nag-enjoy ang couple sa company ng elephants!
Credit: @bernardokath Instagram
Sa post ng aktres sa Instagram, ibinahagi niya ang mga larawan nila ng boyfriend habang nasa trip sa Chiang Mai.
“Celebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it. 🥺 🐘,” pahayag ni Kathryn sa kanyang caption.
Ayon sa aktres, favorite umano niya ang elephants kaya naman nang nabanggit ito kay Daniel, wala umano itong pag-aalinlangang pumayag na magpunta sila ng Thailand ngunit dahil sa pagdalo ng aktor sa Star Magic All Star Games, napagkasunduan ng couple na susunod na lamang si Daniel.
Credit: @bernardokath Instagram
Dagdag pa ni Kathryn, “Thank you for making time for this trip, my love! Thank you for always making sure I feel loved and appreciated. 🖤 Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it… We did it, love! True love exists. Someone like you still do exist. 🥺🖤”.
Mula pa man sa “Growing Up” kung saan ay nadiskubre ang kanilang pangmalakasang chemistry, “Princess and I,” “Must Be Love,” “Hows of Us,” hanggang “2 Good 2 Be True” ay hindi naman talaga maipagkakaila na magkasabay na nag-grow ang couple, at ngayon ay patuloy sa pagbibigay ng inspiration at pagpapakilig sa kanilang fans.