Kathryn Bernardo, abot-langit ang kasiyahan dahil sa sorpresang studio sa kanya ng kanyang inang si Min Bernardo!

Bago ipakita ang aktwal na footage ng kanilang pagsosorpresa, ibinahagi muna ni Min Bernardo sa simula ng pinakabagong vlog episode ng YouTube channel ni Kathryn na ‘Everyday Kath’ kung paano niya plinano ang pagpapagawa sa ‘dream studio’ ng anak.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube    

Kwento ni Min, matagal na nilang balak ni Kathryn na magkaroon ng studio. At Oktubre noong nakaraang taon nga ay sinimulan na niya ang pagpapagawa sa studio ni Kathryn.

Aniya, “Matagal na namin balak kasi ang magkaroon ng studio. Pero balak lang ‘yun, akala ni Kathryn wala akong ginagawa for that. Pero since nung October, nakausap ko na ang kanyang architect, ang kanyang contractor, para tulungan ako kung paano namin mapapagawa yung studio na hindi nalalaman ni Kath.”

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Kakuntsaba naman daw ni Min ang hair stylist ni Kathryn na si John Valle. Pagbubunyag pa ni Min, kinailangan niyang ipaulit ang naunang desenyo ng studio nang sabihin ni John sa kanya na mas gusto ni Kathryn na maraming bintana at pumapasok ang natural lighting sa studio.

Ayon kay Min, dapat noong 25th birthday pa ni Kathryn noong March 26 niya ibibigay ang kanyang sorpresa. Kaya nga lang dahil sa l0ckdown ay naantala ito.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

“Supposed to be, ibibigay ko sana ‘to sa last birthday niya. Kasi 25th birthday niya, hindi siya nakapag-enjoy kasi ito na naman, lockdown na naman,” ani Min.

Humingi naman ng tulong si Min sa nobyo ni Kathryn na si Daniel Padilla para maging tagumpay ang kanyang sorpresa.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

“Kinausap ko si Daniel, sabi ko, ‘DJ, meron akong isu-surprise sa kanya.’ Tulungan mo ‘ko, so alam ni DJ yung mga pinagagawa ko. Minsan pinupuntahan ni Daniel ‘yun. Syempre hindi alam ni Kathryn,” ani Min.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Sa vlog, sinabi rin ni Min na kaya nila naisip na magpagawa ng isang studio ay dahil sa kakulangan ng studio sa kanilang lugar. Magagamit din umano ni Kathryn ang studio para sa kanyang mga nalalapit na proyekto.

Ani Min, “‘Yun ang naisip namin kasi napapansin namin especially dito sa Quezon City, kokonti ang studios dito. Nag-decide na ‘ko na gawin ‘to kasi para meron tayong place para sa mga small gatherings. So pwede na ‘to sa kanyang commercials, sa pictorials, and most especially sa ‘TGIS’ niya.”

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

At noong Mayo 22 nga ay naging matagumpay ang pagsosorpresa nila kay Kathryn. Samantala, hindi naman makapaniwala si Kathryn na may sarili na siyang studio.

Pag-amin pa ni Kathryn, talagang wala siyang kaide-ideya sa sorpresa ng kanyang ina at ni Daniel sa kanya.

Credit: Kathryn Bernardo YouTube

Ani Kath, “First time ako sinurprise ni DJ na hindi siya nag-fail, parati hindi siya maka-keep ng surprise eh. Sobrang zero idea.”

Pinasalamatan din ni Kathryn sa vlog ang kanyang Mommy Min at ang ibang tao na nagtulungan para magawa ang kanyang pinapangarap na sariling studio.