Isa si Kathryn Bernardo at Sofia Andres sa mga artistang nakabuo ng friendship sa loob ng showbiz. Sa pinakabagong video na ibinahagi ni Kathryn sa TGIS kasama si Sofia Andres ay nagbalik-tanaw ang dalawa sa ilang taon nilang pagkakaibigan.
Credit: @bernardokath Instagram
Halos isang dekada ng magkaibigan si Kathryn at Sofia. Taong 2012 nang nagsimula ang kanilang friendship dahil pareho silang bumida sa teleseryeng “Princess and I”.
Magmula noon ay mas lalo lamang silang naging close sa isa’t-isa. Tinukoy pa nga ni Sofia na si Kathryn umano ang kilala niyang “genuine” person sa mundo ng showbiz.
Credit: @bernardokath Instagram
“You’re the most genuine I know. Have you heard someone I’m close with? Kasi parang wala. In the long run, may mga tao pa rin naman na mag-reach out sa’yo kahit ‘di na kayo mag-usap and ikaw ‘yun,” sabi ni Sofia.
Dahil doon ay malinaw kung bakit si Kathryn ang isa sa mga unang nakaalam sa pagbubuntis ni Sofia kasama ang best friend ni Sofia na si Arisse De Santos.
“Hindi ako makapaniwala kasi parang baby girl namin si Sof. And then, during dinner nga, sinabi niya, ‘Ate, I’m pregnant’,” pagre-recall ni Kathryn.
Sa kabila ng katotohanang si Kathryn ang isa sa unang nakaalam ay nirespeto niya ang desisyon ni Sofia at inilihim ang nalaman.
“Top secret siya before and ‘nung sinabi ni Sof sa’kin, I really kept it to myself. Hindi ko siya sinabi sa iba kasi ayaw kong pangunahan ka, especially with this… your pregnancy,” sabi ni Kathryn.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Sa sumunod na araw matapos i-upload ni Kathryn ang interview niya kasama si Sofia sa kanyang YouTube channel ay nagbahagi ang dalawang aktres sa kani-kanilang Instagram account ng mga larawan at maiikling videos kung saan ay makikitang lumabas sila at nagkaroon ng get-together kasama ang kanilang real-life partners na si Daniel Padilla at Daniel Miranda. Kasama rin nila ang one year old na anak ni Sofia at Daniel na si Zoe na inaanak rin ni Kathryn.
Credit: @iamsofiaandres Instagram
Masaya ang weekend ni Kathryn at Sofia kasama ang kanilang partners at si baby Zoe. Nag-enjoy rin ang dalawang couple sa pagje-jet ski.
Makikita naman sa Instagram ni Kathryn ang video clip kung saan ay karga-karga niya ang inaanak na si baby Zoe. Makikita naman sa reaksyon ng aktres kung gaano siya natuwa sa kabungisngisan ni baby Zoe.
Credit: @bernardokath Instagram
“Hearing your giggles makes our hearts flutter! Thank you for making our weekend extra special and memorable. I love you, baby bubut!!” pahayag ni Kathryn sa kanyang caption.
Credit: @bernardokath Instagram
Dahil sa kanilang bonding sesh ay mas lalo lamang silang naging close sa isa’t-isa lalo na’t nandiyan si baby Zoe upang magbigay-aliw sa kanila.