Kathryn Bernardo, excited na sa ipinapatayong dream house para sa kanyang pamilya

Isa sa mga pinakamatagumpay na aktres ng kanyang henerasyon ang Kapamilya actress-vlogger na si Kathryn Bernardo.

Credit: @bernardokath Instagram

Ngunit sa likod ng kanyang pagsisikap sa pagtatrabaho bilang isang artista ay ang kanyang pangarap na mapatayuan ng isang magandang bahay ang kanyang pamilya.

Kabilang nga sa mga pangarap ni Kathryn ay mabigyan ng isang bahay ang kanyang minamahal na mga magulang.

Unti-unti namang natutupad ni Kathryn ang pangarap niyang ito para sa kanyang pamilya dahil ngayon taon ay ipinagpatuloy na ang pagpapatayo sa kanilang bahay matapos maudlot dahil sa p@ndemya.

Credit: @bernardokath Instagram

Base sa latest Instagram update ni Kathryn, nagsimula na ang construction ng kanilang dream house.
Masaya ring ibinahagi ni Kathryn sa kanyang Instagram na malapit na niyang matupad ang kanyang pangarap.

Nag-post si Kathryn ng ilang litrato sa kanyang Instagram kuha mula sa pinapatayo nilang bahay. Kasama ni Kathryn sa mga litrato ang kanyang ina na si Min at pamangkin na si Lhexine.

Kitang-kita naman ang saya sa mukha ni Kathryn dahil sa wakas ay sinisimulan na ang kanilang pinapangarap na bahay.

Credit: @bernardokath Instagram

Sabi pa ni Kathryn sa caption ng kanyang post, hindi siya makapaniwalang nangyayari na ang pagpapatayo niya sa bahay na matagal na niyang pangarap.

“Slowly getting there…I can’t believe it’s finally happening!” ani Kathryn.

Maging si Mommy Min ay hindi mapigilang ihayag ang kanyang saya at excitement ngayon na tuloy na tuloy na ang pagtupad nila sa pangarap nilang magpamilya.

Sa Instagram, nagbahagi rin si Mommy Min ng mga larawan kung saan ay kinunan mula sa construction site ng ipinapatayo nilang bahay.

Credit: @bernardokath Instagram

“Yes anak, it is finally happening…Like ng lagi nating sinasabi: sa buhay we need to do baby steps as when you add up these little steps we take toward our goal,” caption ni Mommy Min sa kanyang post.

Samantala, hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na tatlong taon na ang nakalilipas nang mabili ni Kathryn ang property sa Quezon City kung saan plano niyang itayo ang kanilang bahay.

Sa katunayan, ikwenento noon ni Kathryn sa isang panayam na kaya siya kumakayod ay para sa pagpapatayo ng kanilang dream home.

Credit: @bernardokath Instagram

“My number 1 priority is basically to finish our house…So hopefully mag-start na yung construction. Kayod pa,” ani Kathryn.

“Siyempre, kung may gusto akong ibigay kay Mama na house na niya…So magtatrabaho pa ako. Gusto ko kasi kapag nagpatayo ng dream house yung gusto na namin, yung nae-envision ni Mama kung ano ang gusto ko, lahat, sa buong family,” dagdag niya.