Kathryn Bernardo, masayang nagcelebrate ng kaarawan kasama si Daniel Padilla at mga kaibigan sa El Nido

Napakabilis talaga ng panahon. Kung noon ay napapanood lang si Kathryn Bernardo bilang isa sa mga batang cast ng show ng Goin’ Bulilit, ngayon ay isa na siyang napakagandang dalaga na nagdiriwang ng kanyang ika-26 na kaarawan.

Credit: @bernardokath Instagram

Masaya ang aktres sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan dahil kasama niya ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla at kaniyang mga malalapit na kaibigan sa isang beach escapade.

Sa Instagram account ng make-up artist ni Kathryn na si John Valle ay makikita ang ilan sa mga kuha sa naging selebrasyon ni Kathryn sa isla ng El Nido. Makikitang kasama nila Kathryn at Daniel sila Joshua Garcia, Ria Atayde, at Alora Sasam.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Sa isang video ay makikitang dala-dala ni Daniel ang birthday cake ni Kathryn na may nakasinding kandila habang inaawitan ang aktres ng mga kasamahan. Kita ang pagiging sweet ni Daniel sa kanyang girlfriend na ilang beses niyang hinalikan sa pisngi. Makikita din sa reaksyon ni Kathryn kung gaano siya kasaya sa naging selebrasyon ng kanyang kaarawan.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Isa pang letrato na inupload ni John ang talaga namang nagpakilig sa fans ng KathNiel dahil makikita sa letrato na magkayakap sila Kathryn at Daniel habang pinapanood ang napakagandang sunset sa isla.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Hindi pa natapos ang sweet na surpresa kay Kathryn dahil may inihanda ding surpresa si Daniel sa kanya at ito ay ang pag-awit ng aktor habang nagdidinner ang kanilang grupo sa resort. Kita sa mukha ni Kathryn ang kasiyahan sa inihanda ng kanyang nobyo para sa kanya.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Sa pagtungtong din ni Kathryn sa edad na 26 ay makikita ang pag-upgrade din ni Kathryn pagdating sa kanyang pinagbidahang magazine cover kung saan ay mas d@ring na Kathryn ang makikita. Dito ay “more skin” na ang ipinakita ng aktres habang suot ang white 2-piece swimsuit na inihanda para sa kanya.

Credit: @johnvalle20 Instagram

Sinabi ni Kathryn sa caption ng kanyang post,  “As I turn 26, I celebrate everything that made me who I am today. I celebrate my body, which I’ve learned to fully embrace in my journey to self-love.”