KC Concepcion, ini-reveal na ang tunay na estado ng relasyon nila ng nali-link na international singer na si Apl.de.Ap

Usap-usapan ngayon sa social media ang muling pagsasama ni TV actress KC Concepcion at ng matagal nang nali-link sa kanya na miyembro ng American musical group na Black Eyed Peas na si apl.de.ap.

Credit: @itskcconcepcion Instagram    

Nitong nakaraang weekend, ay naging guest ni KC sa kanyang Instagram live stream para sa kanyang cooking show na “Kitchen Collabs” ang international rapper.

Hindi pisikal na magkasama sina KC at apl.de.ap dahil nasa Pilipinas ang dalaga habang nasa London naman si apl.de.ap. para sa tinatapos nilang album ng Black Eyed Peas na “Translation”.

Bago ipakilala ni KC ang kanyang “very special guest” ay kapansin-pansin sa mukha ng dalaga ang excitement at saya.

Credit: Apl.de.Ap Instagram

Pagsisimula ni KC, “Today is the day I’ve been waiting for. Everybody who’s been asking for this, this is your treat. Because it is Halloween over here…Today will be the day, the very, very first dessert day (Pinoy desert na tibok-tibok).”

Ayon pa kay KC, napaka-sweet umanong tao ni apl.de.ap.

Aniya, “And I want to invite over my very special guest for the day.”

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Sa puntong ito ay ini-reveal ni KC kung sino ang singer sa kanyang buhay, “He’s a great, great friend of mine, very sweet, and very, very thoughtful. He has supported a lot of artists from the Philippines and really introduced them outside. And I’m so, so grateful to know him and then all the boys from the group [Black Eyed Peas].”

Sa kanilang online cooking show ay masayang nagkwentuhan sina KC at apl.de.ap.

Credit: Apl.de.Ap Instagram

Sa huling bahagi ng kanyang cooking show ay ibinahagi ni KC ang kanyang plano na bumalik sa Los Angeles, California para tapusin ang kanyang pag-aaral. Umaasa naman si KC na mabisita niya si apl.de.ap na naka-base sa L.A.

Credit: @itskcconcepcion Instagram

Saad ni KC, “I’m always in L.A., I’m gonna finish my gemology studies, and maybe, one day, I can check out your local garden.”

Tugon naman ni apl.de.ap sa sinabi ng dalaga, “I can’t wait.”

Matatandang taong 2013 ay napabalita ang panliligaw ni apl.de.ap sa aktres. Gayunpaman, sa mga nakalipas na taon ay nanatiling mabuting magkaibigan sina KC at ang rapper.

Ayon sa artikulong inilathala ng ABS-CBN news, muling na-link sina KC at apl.de.ap nang namataan silang magkasama sa Manila nitong March.

Credit: Apl.de.Ap Instagram

Samantala, mahigit isang taon nang single si KC. September noong nakaraang taon nang kinumpirma ni KC ang paghihiwalay nila ng kanyang French boyfriend na si Pierre Plassart.

Sa panayam ni KC sa PUSH, ay inamin niyang bukas siyang makipag-date ulit pagkatapos nilang maghiwalay ni Pierre. Aniya, “I’m fresh. As fresh as my foundation (laughs). I’m open. I’m open.Yes. I am open again. Dating around.”