Naging “merry” ang Pasko ng aktres na si KC Concepcion matapos niyang ipagdiwang ito kasama ang inang si Megastar Sharon Cuneta at ang pamilya nito.

Halos isang taon din na hindi nagkita sina Sharon at KC. Kaya nama hindi maitago sa mukha ni KC ang kanyang kasiyahan sa muling pagkikita nila ng kanyang Mommy Sharon.
Nag-post si KC sa kanyang Instagram account ng litrato nila ng kanyang Mommy Sharon. Sweet at makabuluhan ang naging caption ni KC sa litrato nila ng kanyang ina.
Ani KC, “A quiet, peaceful, heartfelt Christmas with my Queen. Merry Christmas, loves! πΉ”

Samantalang, si Sharon naman ay masaya at ipinagmalaki na kumpleto ang kanyang pamilya nitong nagdaang Pasko.
Ani Sharon sa caption, “My complete family this Christmas Eve. God is good ALL the time.ππ»ππ»πππβ€οΈβ€οΈβ€οΈππππ₯°π₯°π₯° HAPPY BIRTHDAY, LORD JESUS!”
Tila ipinapahiwatig naman ng pangalawang anak ni Sharon na si Frankie na nagkaayos na nga ang kanyang Mommy Sharon at Ate KC nitong Pasko. Nagkomento kasi ang dalaga sa larawan nilang magpamilya.

Aniya, isang himala umano na naging kumpleto silang magpamilya nitong Pasko. Komento nito, “what a miracle”.
View this post on Instagram
Base na rin sa pagpunta ni KC sa kanyang Mommy Sharon, marahil ay nagkasundo na talaga ang mag-ina matapos ang matagal na pagkakahiwalay sa isa’t isa dahil sa kanilang hindi pagkakaunawaan.

Hindi isang lihim sa lahat na hindi naging maayos ang relasyon nina Sharon at KC. Madalas silang pag-usapan dahil sa mga kontrobersyal na post nila sa social media na tila pinaparinggan ang isa’t isa.
Noong May, sa panayam sa kanya ng host na si Tim Yap, ay sinabi ni KC na gusto niyang panatilihin na lamang ang kanilang problema sa loob lamang ng kanilang pamilya. Inamin din ni KC sa nasabing panayam na katulad lamang din sila ng ibang pamilya na dumaraan din sa maraming pagsubok.

Ang pinagkaiba lamang umano nila ay masyado umano silang lantad sa publiko. Sinabi rin ni KC sa nasabing panayam na ayaw niyang pag-usapan ang mga problema nila ‘in public’.
Pahayag ni KC, βI think my mom and I, in a same love language where we like to give each other, gifts. I miss her and I love her so much. She’s an amazing mom. At the end of the day, lahat ng nangyayari sa amin is amongst that should stay in the family,β

Dagdag niya, βAnd just like any other family, no one is perfect. We go through bumps along the way just like any other family. The only difference is we are so public. I don’t really like talking problems in public.”
Si KC ay anak ni Sharon sa kanyang dating asawa na si Gabby Concepcion.