Anila, binabago ng pagiging ama ang isang lalaki sa maraming paraan at pinatunayan naman ito ng host, radio DJ, at aktor na si KC Montero.
Credit: @kcmontero Instagram
Bukod sa pagiging responsable at hands-on na ama, isa ring katangian ni KC bilang ama ay ang pagiging makulit.
Kilala ng lahat si KC bilang isang bruskong lalaki ngunit pagdating sa kanyang anak na si Baby Wyatt Cody ay talaga namang nagiging malambot at makulit siya.
View this post on Instagram
Madalas na magkaroon ng father-son bonding sina KC at ang kanyang anak mula nang ipanganak ito noong December 14, 2020 ng kanyang asawa na si Fil-Am beauty queen-model na si Stephanie Dods.
Madalas ay tinuturuan ni KC si Baby Wyatt ng kahit anong salita o pangalan tulad na lamang ng kanilang karaniwang nang “Sunday conversation” nilang mag-ama na mapapanood sa Instagram account nito.
Credit: @kcmontero Instagram
“You don’t have to be a parent to understand his last statement. Our Sunday conversations usually ends like this, but I wonder what his first word will be… or did he just say Wacky?” ani KC sa caption ng nasabing video.
Mahigit dalawang buwang gulang pa lamang si Baby Wyatt ngunit sa tuwing kinakausap siya ng kanyang Daddy KC ay tila naiintindihan na niya ang mga sinasabi nito.
Kakaiba talaga ang makikitang koneksyon sa pagitan nina KC at Baby Wyatt na talaga namang kapansin-pansin sa kanilang mga bonding moment.
View this post on Instagram
Ngunit hindi lamang sina KC at Stephanie ang napapasaya ni Baby Wyatt kundi maging ang libu-libong netizens dahil sa kanilang mga cute at nakakaaliw na videos.
Isang panibagong video na naman ang ibinahagi ni KC kung saan mapapanood siyang enjoy na enjoy habang nakikipaglaro ng peek-a-boo kay Baby Wyatt.
Credit: @kcmontero Instagram
Matutunaw nga naman talaga ang iyong puso sa mga tawa at hagikhik ni Baby Wyatt habang naglalaro sila ng kanyang Daddy KC ng peek-a-boo.
Kapansin-pansin din sa video ang taglay na kagwapuhan at ka-cutean ni Baby Wyatt na hindi maipagkakailang namana naman niya sa kanyang mga magulang.
“Anybody for a round of peek-boo? Then just some random screaming? Let’s play!” caption ni KC sa video.
View this post on Instagram
Dahil sa umaapaw na cuteness at good vibes na hatid ng kanilang video ay humakot ito ng maraming reaksyon mula sa mga netizen. Narito naman ang ilan sa mga komento ng netizens:
“He is so heart melting”
“Soo adorable”
Credit: @kcmontero Instagram
“So cuuute”
“He is cutie pie”
“Ang cute peek a boo ala Daddy KC”
Bago ikasal kay Stephanie noong nakaraang 2019, si KC ay unang ikinasal sa singer-acress na si Geneva Cruz.