“Future Miss Universe” at “Next Catriona Gray”
Credit: Pageanthology 101 Facebook
Ito ang sigaw ng maraming netizens nang mapanood nila ang video na ibinahagi ng retired PBA player na si Doug Kramer kung saan makikita ang kanyang panganay na anak na si Kendra na umaawra na parang isang beauty queen!
Kamakailan, ibinahagi ni Doug ang ilang behind-the-scenes videos ng fun photoshoot ni Kendra kung saan ay pina-wow nito ang marami nang ipinamalas niya ang kanyang pak na pak na modelling skills at beauty queen awra.
Sa video ay nagmistulang isang beauty queen si Kendra sa kanyang outfit at maging sa kanyang mga pose.
Kwento ni Doug, katatapos lamang sumabak ni Kendra sa isang TV commercial shoot nang maisipan ng kanilang glam team na magsagawa ng isang fun photoshoot sa pangunguna ng celebrity stylist na si Rain Dagala at photographer na si Jerick Sanchez.
Credit: Pageanthology 101 Facebook
“Grabe, ano iyan? That’s not Cheks, you guys! That looks like Cheks, it’s not! It’s Kendra!” saad ni Doug sa video.
“This is just a random shoot. We just finished a three-day TVC and print shoot for Cheks, Gavin, and Kendra then… our glam team decided to do this for Kendra…Our glam team, sina Rain, ginagawang Miss Universe na agad si Kendra e!” patuloy ni Doug sa video.
Sa isang anggulo, kapansin-pansin naman ang pagkakahawig ni Kendra kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Kaya naman tila nagkagulo sa comment section ang ilang pageant fans nang ibahagi ng isang kilalang pageant community ang naturang video ni Kendra sa Facebook.
Credit: Pageanthology 101 Facebook
“Omg catriona 🥰🥰🥰 sure win to. Hehe another crown for the philippines.. soon!”
“yes please my gosh I hope i can afford to watch the live show that time na… ❤️ready to cheer..”
“Beautiful Young Lady🥰 Next Catriona Grey ng Philippines👸🏻 Our Future next Ms Universe👑💐”
Credit: Pageanthology 101 Facebook
“Miss Universe in the future…mark this day. I will cheer for you when that day comes..”
“super ptetty, hope she consider pageant when she grows up”
Samantala, mukhang ilang taon pa ang hihintayin ng maraming pageant fans bago tumungtong sa qualified ‘pageant age’ ang panganay na anak ng mag-asawang Doug Kramer at Cheska Garcia dahil sa kasalukuyan ay 12 taong gulang pa lamang ito.
Gayunpaman, walang duda na malaki ang potensyal ni Kendra para maging susunod na Miss Universe titleholder ng Pilipinas lalo na sa taglay nitong katalinuhan, ganda, tangkad at karisma!