Kilalanin ang adorable na baby girl nila Aubrey Miles at Troy Montero na si Baby Rocket

Isa sa mga tinaguriang h0t couple sa mundo ng showbiz ang host na si Aubrey Miles at ang asawa nito na si Troy Montero na isang sikat na aktor. Parehong 43 taong gulang ngayon ay hindi naman iyon mapaghahalataan ng karamihan lalo na’t sobrang bata ng kanilang mukha at fit ang katawan. Pinatunayan talaga ni Aubrey at Troy ang katagang, “Forty is the new 20”.

Credit: @troymontero Instagram

Bilang isang “lovely couple” ay hindi naman maipagkakaila na magiging maganda rin ang kanilang anak. Disyembre 14 noong taong 2018 nang nabiyayaan sila ng isang baby girl na pinangalanan nilang si baby Rocket Miller.  Isang batang babae na super cute na nagmana talaga sa mommy at daddy nito si baby Rocket.

Kinagiliwan ang anak ni Aubrey at Troy nang nagsimulang magbahagi ang mag-asawa ng mga larawan nito sa social media.

Credit: @troymontero Instagram

Makikita sa ilang larawang ibinahagi ni Troy at Aubrey sa kani-kanilang Instagram na kasama ni baby Rocket ang kanyang dalawang Kuya. Bilang natatanging babae sa pamilya bukod sa kanyang Mommy Aubrey ay halata naman kung gaano siya kamahal ng kanyang dalawang Kuya na sina Maurice at Hunter.

Pinuri rin ng netizens ang pagka-natural ni baby Rocket sa harap ng kamera kaya inaasahan ng karamihan na magiging “pro” siya sa lahat ng photoshoots na gagawin paglaki niya.

Credit: @troymontero Instagram

Dahil parehong adventurous at mahilig magbakasyon si Aubrey at Troy ay nakahiligan na rin ni baby Rocket ang mag-enjoy sa bawat getaway ng pamilya katulad na lamang ng pagbibilad sa ilalim ng araw kapag nasa beach ang pamilya.

Kumakailan lamang nang muling nagbahagi si Troy ng larawan ni baby Rocket na mukhang sinasalubong ang ama galing sa lakad nito.

“When she runs to me… ❤️❤️❤️,” sabi ni Troy sa kanyang caption.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Troy Montero (@troymontero)

Hindi naman mapigilan ng mga netizen ang mamangha sa mabilis na paglaki ni baby Rocket na ngayon ay dalawang taong gulang na.

June 10 ngayong taon nang nag-post si Aubrey sa kanyang Instagram account ng isang larawan kung saan makikita ang kanyang baby girl na nakatingala sa mga halaman.

“Good morning pretty girl @rocketmiller01,” sulat ng TV host sa kanyang caption.

Credit: @milesaubrey Instagram

Napansin naman ng netizens ang magandang kulot na buhok ni baby Rocket na bumagay talaga sa kanyang magandang mukha. Marami naman ang pumuri sa dalawang taong gulang na anak ni Aubrey at Troy dahil talagang manang-mana ito sa mag-asawa at isa na nga rito ay si Geneva Cruz.

“Cutie! 🥰,” komento ni Geneva.

Credit: @milesaubrey Instagram

Dahil parehong celebrity ang mga magulang ay marami ang umaasa na papasok din sa mundo ng showbiz si baby Rocket paglaki nito.